Watch Now

Tinder love story: Man helps preggy woman give birth on their fourth date

by Bernie V. Franco
Apr 2, 2022
Tinder date pregnant
Max Silvy and Alyssa Hodges share their unusual love story on TikTok. She was pregnant when they first met on the dating app Tinder and instantly hit it off. Max never left her side from the time Alyssa's water broke on their fourth date, and the rest is history.
PHOTO/S: TikTok (Alyssa Hodges)

AUSTRALIA - Marami ang humanga sa isang 25 anyos na lalaki na nakipag-date sa isang buntis.

At ang kanilang fourth date ay nangyari sa hospital, kung saan nanganak ang 20 anyos na babae.

Ito ang love story nina Alyssa Hodges at Max Silvy na nagkakilala sa Tinder, isang kilalang international dating app, noong 2021.

Sa simula pa lamang, hindi itinago ni Alyssa na six months pregnant siya nang subukang mag-Tinder.

Ani Alyssa sa 7News, ang kilalang TV news service sa Australia, February 2022, “I didn’t want to lead anyone on, so I was being open and honest.”

Ibinahagi nila ni Max ang kanilang kuwento na nangyari pa noong September 2021.

Sabi ni Max, nag-swipe right nang makita niya ang buntis na larawan ni Alyssa sa Tinder.

Pag nag-swipe right sa Tinder, ibig sabihin nito ay approve sa iyo ang Tinder user.

Nagpalitan ng messages sina Alyssa at Max at nauwi ito sa pagdi-date.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanilang ika-apat na date noong September 2021, susunduin dapat ni Alyssa sa airport si Max.

Pero pumutok na ang panubigan ni Alyssa, indikasyong manganganak na siya, at kailangang pumunta sa ospital.

Tinawagan ni Alyssa sa Max at sinabihang dumiretso sa ospital.

tinder love story

Hindi naging madali ang labor ni Alyssa dahil “on and off” ito, at tumagal nang isang linggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mismong panganganak naman niya ay nagtagal nang pitong oras.

Sa buong panahong iyon, hindi raw umalis sa kanyang tabi si Max na nagpaalam pa sa trabaho.

Nasa tabi ni Alyssa si Max hanggang sa nanganak siya naging noong nakaranas siya ng “baby blues.”

Ang kakaibang karanasang ito ang nagpatibay ng kanilang bond.

Pagbabahagi ni Alyssa: “We both knew that we liked each other and had strong feelings for each other.

“But the birth was the peaking point of our relationship, it bonded us."

FROM DATING TO LIVING TOGETHER

Bagamat nakapag-date pa lamang nang tatlong beses (dahil hindi natuloy ang fourth date), nagdesisyon ang dalawa na magsama na.

Pero hindi ito madaling tinanggap ng ina ni Allysa, “She didn’t understand why anybody would want to be with someone who was pregnant and take such a big responsibility on.

“She told me I needed to think carefully about it.

“But at the same time, she was saying Max was a lovely guy, and she hoped it’d work out for us.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila ng pagtutol sa kanilang relasyon, aktibo pa rin si Alyssa, kasama si Max, sa pagbabahagi ng kanilang love story sa TikTok.

Makikita ring nagsasama na sila sa isang bahay, kasama ang baby boy ni Alyssa na si Ollie.

Itinuring ni Max ang sanggol na parang sa kanya.

tinder love story

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinatutuwa naman ni Alyssa ang papuri ng netizens kay Max, na tinawag pang “man of the year.”

Ang iba, nagtatanong kung may kapatid pang lalaki si Max.

Ang TikTok video na nagkukuwento ng kanilang love story, may mahigit two million views na.

Sabi pa nga ni Alyssa, dahil sa kanilang kuwento, 50,000 kababaihan ang nais pakasalan si Max.

Marami kasing female netizens ang naghangad na makakilala sila ng lalaking kagaya ni Max.

Bigla ring lumobo ang following ni Alyssa na mayroon nang higit 110,000 followers sa TikTok nang mag-viral ang kanilang kuwento.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Max Silvy and Alyssa Hodges share their unusual love story on TikTok. She was pregnant when they first met on the dating app Tinder and instantly hit it off. Max never left her side from the time Alyssa's water broke on their fourth date, and the rest is history.
PHOTO/S: TikTok (Alyssa Hodges)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results