Watch Now

TRENDING: Eleksyon 2022-themed engagement photo shoot sa Cebu City

by KC Cordero
Apr 6, 2022
Riq Mosqueda and Gr Ace Eleksyon 2022-themed engagement photo shoot
Hindi nag-eendorso sina Riq Mosqueda at Gr Ace ng Cebu City ng mga kandidato sa kanilang Eleksyon 2022-themed engagement photo shoot. Gusto lang nilang ipakita na sa kabila ng kanilang magkaibang paniniwala, hindi iyon hadlang sa kanilang road to forever.

Nag-trending ang Facebook post ni Carlo Abaquita noong April 5, 2022.

Si Carlo ay isang wedding and event planner sa Cebu City.

Ang kanyang post ay ang Eleksyon 2022-themed engagement photo shoot ng magkasintahang Riq Mosqueda at Gr Ace.

Riq Mosqueda and Gr Ace Eleksyon 2022-themed engagement photo shoot

Batay sa mga larawan, courtesy of Soulful Studio at kuha ng photographer na si Jan Pagz, mapapansing magkaibang presidential candidate ang napupusuan nina Riq at Gr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maoobserbahan iyon sa mga tumbler na kanilang iniinuman at sa mga suot nilang T-shirts.

Bet ni Riq si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Si Gr naman ay kay Vice President Leni Robredo.

Ang caption ni Carlo sa kanyang post: "Bisag kinsa imong pilion karong eleksyon, dapat sa katapusan, kita gihapon.”

Roughly translated, ang ibig sabihin nito sa Filipino ay: “Kahit sino pa ang piliin mo sa darating na eleksyon, ang importante ay tayo pa rin sa huli.”

Riq Mosqueda and Gr Ace Eleksyon 2022-themed engagement photo shoot

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nai-share naman ni Riq ang post ni Carlo noong April 6, at nilagyan niya ng caption na: “We are not endorsing our personal candidates, we are not trying to influence our friends and relatives on who to vote for.

“We are just expressing our happiness and celebrating our unity despite our individual differences which include our presidentiable bets.”

Dagdag pa ni Riq, “Spread love, not hate.”

Karamihan sa mga comments sa post ay nasa Cebuano dialect, pero kung pagbabatayan ang mga ginamit na heart emojis ng mga netizens, agree sila kina Ric at Gr na pagdating sa pag-ibig, isa sa pinakamahalagang factor ang respeto sa paniniwala ng isa’t isa.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi nag-eendorso sina Riq Mosqueda at Gr Ace ng Cebu City ng mga kandidato sa kanilang Eleksyon 2022-themed engagement photo shoot. Gusto lang nilang ipakita na sa kabila ng kanilang magkaibang paniniwala, hindi iyon hadlang sa kanilang road to forever.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results