Watch Now

Heartbreaking story ng “asawang sumakabilang bahay live selling” ni misis

by Bernie V. Franco
Apr 8, 2022
jamille margarita galvez
Trending si Jamille Margarita Galvez nang mag-online live selling siya ng mga gamit ng nang-iwang asawa. Pero may malalim na hugot ang kanyang viral video. Ipinagpalit siya sa iba at tatlong beses nang iniwan.
PHOTO/S: YouTube (Eat Bulaga!) / Facebook

Ano ang parusa sa pangangaliwa?

Para sa isang misis, ito ay ang ibenta ang mga gamit ng nangaliwang mister.

Ikinaaliw ng marami ang ginawang live selling ni Jamille Margarita Galvez na tinawag niyang “Asawang sumakabilang bahay live selling" noong March 24, 2022.

Agaw-atensiyon at nag-trending ang paandar ng misis na mula sa San Ildefonso, Bulacan.

Bentang-benta sa netizens ang punchlines ni Jamille sa pagbebenta ng mga gamit ng kanyang mister na “sumakabilang bahay” o umalis ng bahay para sa ibang babae.

Narito ang ilan sa kanyang mga hugot:

“Buy at your own risk. May sumpa ito sigurado. Magiging babaero yung BF o asawa ninyo!”

“Super mura lang, kasi di naman marunong magmahal yung may-ari.

“Lahat ng items ay matino pa, yung may-ari lang ang hindi."

“Orig lahat ito walang fake. Di naman ako manloloko gaya nung may-ari.”

“Huwag mag-mine kung di mo kayang panindigan gaya ng ginawa ng asawa ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinalakpakan siya ng maraming netizens sa anila’y “best revenge” na magagawa ng misis sa kanyang mister.

Pero sa likod ng kanyang pinag-usapang live selling, isang heartbreaking love story ang dinanas ni Jam.

Hanggang ngayon ay nasa proseso pa rin siya ng pagmu-move on.

jamille margarita galvez

May mas malalim na kuwento ang nag-trend na "sumakabilang bahay" live-selling video ni Jamille Margarita Galvez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pitong taon silang nagsama ng asawa at may tatlo silang anak.

Nakaranas si Jam ng verbal abuse at tatlong beses na siyang iniwan ng kanyang partner dahil sa iisang babae.

Nagmakaawa siya sa asawa na huwag silang iwan at [trigger warning] inilagay sa panganib ang buhay dahil sa sakit na naramdaman.

This month daw ay tuluyan na silang iniwan ng kanyang mister, ani Jam sa episode ng “Bawal Judgmental” ng Eat Bulaga! noong April 5, 2022.

Kinumpronta na rin daw niya ang mister kung bakit sila iniwan.

“Wala daw pong mali. Wala daw pong problema sa akin," salaysay ni Jam.

"Pero hindi na daw siya masaya. Yun lang po yung sagot niya sa akin.”

jamille margarita galvez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging advocate ng women empowerment si Jamille dahil sa pangyayari.

Maliliit pa ang mga anak ni Jam, na ang mga edad ay anim, tatlo, at isang taong gulang.

Last year pa raw, matapos ipanganak ang kanilang ikatlong anak, naramdaman na ni Jam na may mali sa pagsasama nila ng asawa.

“Kasi hindi ko na po nafi-feel na asawa ko siya, e. Parang pinaparamdam po niya sa akin talaga na gusto niyang masaktan ako talaga.”

Hindi raw siya pisikal na sinaktan, pero nakaranas siya ng verbal abuse, gaya ng pagmumura at paninigaw.

Nasasaksihan daw ng kanilang panganay na anak ang kanilang pag-aaway.

Sa tanong kung naka-move on na siya, sagot ni Jam, “It takes time po, di ba? It’s a long process.

“Ang ginagawa ko lang po ngayon, wala na po akong choice, e.

“Siguro po nandoon na ako sa part na in-accept ko na and I’m starting to let go.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong siya ni Maja Salvador kung tatanggapin pa niya ang mister kung bumalik ito.

“Three times niya po kaming iniwan and three times niya po akong binalikan,” pagbubunyag ni Jam.

“And for the third time po, sobrang hindi ko in-expect na iiwan niya ulit kami. So, nasaan ang sincerity?

“Hindi ko na po sure kung maniniwala pa ako ulit.”

Kinumpirma ni Jam na iisang babae ang binabalik-balikan ng kanyang asawa.

Nagawa na rin daw ni Jam na sugurin ang babaeng ito at kasama pa ni Jam ang kanyang mga anak.

Ayon kay Jam, ginawa na niya ang lahat, pero iniwan pa rin siya ng kanyang asawa.

“Nung time na iniwan niya po kami, as in nagmamakaawa po ako kasi sa kanya. Nagwawala ako. Hysterical ako.

“Lahat na lang ginagawa ko para di siya umalis.”

Umabot na rin daw siya sa puntong [trigger warning] pinagtangkaan niya ang sariling buhay at na-ospital siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

jamille margarita galvez

Bagamat nag-uumpisa nang mag-move on, inamin ni Jam na mahabang proseso ito.

Doon niya napagtanto na kailangan na niyang tanggapin ang nangyari at bumangon para sa kapakanan ng kanyang mga anak.

“Naawa na rin po ako sa mga anak ko, e. Parang napapabayaan ko na sila. 'Tsaka lahat ginawa ko na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, sinisikap ni Jam na maka-move on at planong sumailalim sa counselling kasama ang mga bata para makatulong sa kanilang pagmu-move on.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Trending si Jamille Margarita Galvez nang mag-online live selling siya ng mga gamit ng nang-iwang asawa. Pero may malalim na hugot ang kanyang viral video. Ipinagpalit siya sa iba at tatlong beses nang iniwan.
PHOTO/S: YouTube (Eat Bulaga!) / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results