Watch Now

VIRAL: 1983 resibo ng isang fast-food chain; wala pang PHP500 ang birthday-party package

by KC Cordero
Apr 8, 2022
The 1983 fast food chain receipt
Biro ng netizens, kung ganito pa rin ang presyo ng birthday-party package sa isang fast-food chain, kahit araw-araw ay puwedeng mag-celebrate.

Pinagpiyestahan ang lumang resibo ng isang fast-food chain na nai-post ng netizen na si Cheryl Ann noong March 31, 2022 sa isang Facebook group.

Ang nakalagay na petsa sa resibo ay September 16, 1983.

The 1983 fast food chain receipt

Nilagyan ito ni Cheryl ng caption na (published as is): “Sana ganito ulit ka mura mg pa bertdey sa Jollibee, para pwede tayo mg ambagan mga ka slappy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa detalye sa resibo, bayad iyon para sa birthday party na ginanap noong September 19, 1983.

Nung time na yun, five years old pa lang ang fast-food chain na nagsimula bilang isang ice-cream parlor.

Agaw-pansin sa resibo ang nakasaad na presyo na PHP427.35 para sa isang "B-day Party."

Bigla tuloy napa-throwback ang mga nagkomento sa resibo.

May mga nagsabing dati rin silang kumakain sa mismong branch na nasa resibo.

May nagbiro pa na dahil mura pa ang mga inoorder, payat pa noon ang mascot.

At dahil mura pa ang party packages, kahit araw-araw ay puwedeng mag-birthday party.

Yung iba naman, wala pa raw sa earth o kaya ay kapapanganak pa lang noong 1983.

Screenshot of netizens' comments
Ayon sa reply ni Cheryl sa isang nagkomento, isang tita niya ang nag-celebrate ng birthday noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, hindi sinabi ng tita ko na siya ang magbi-birthday, akala nila [ng fast-food chain], anak niya, pero siya ang celebrant.

“Nagulat ang mga crew nung nalaman nila na hindi bata ang magbi-birthday on the day of the party.”

Sa ngayon aniya ay 69 years old na ang kanyang tita.

Paliwanag naman ng ibang nagkomento, hindi masasabing mura ang presyo sa resibo.

Mga middle class lang umano ang nakakakain noong panahon na iyon sa nasabing fast food.

Halos isang buwan na suweldo rin umano ang nasabing presyo dahil noong 1983 ay nasa PHP20 lang ang daily minimum wage.

Napag-usapan tuloy ang inflation at pagbaba ng halaga ng piso. Nagpost din ng mga computations ang netizens.

Screenshot of netizens' comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Screenshot of netizens' comments
Sa pananaliksik ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), batay sa nakasaad sa database ng Department of DOLE (Department of Labor and Employment at datos ng National Wages and Productivity Commission mula July 6, 1983 hanggang December 1, 1983, ang daily minimum wage sa Metro Manila ay nasa PHP19-PHP21.

Breakdown of minimum wages

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

But just the same, nakakaaliw pa rin ang nangyaring pagbabalik-tanaw dahil sa naitagong 39-year-old receipt.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Biro ng netizens, kung ganito pa rin ang presyo ng birthday-party package sa isang fast-food chain, kahit araw-araw ay puwedeng mag-celebrate.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results