Watch Now

Nakapanghihinayang! Philippine eagle Chick#29, patay nang matuklaw ng python

by KC Cordero
Apr 11, 2022
Chick#29 when still alive; at right when found dead
Ang juvenile Philippine eagle Chick#29 na namatay matapos matuklaw ng python ay kilala rin bilang si Espoir. Na-hatch siya noong December 4, 2021.

Natagpuang patay ang isang juvenile Philippine eagle noong April 5, 2022, sa kulungan nito.

Ang eaglet ay may code na Chick#29. Kilala rin ito bilang si “Espoir” na na-hatch noong December 4, 2021.

Newly-hatched Chick#29

Nakilala noon si Espoir dahil sa video habang pinapakain ito ng eagle hand puppet.

Anak siya nina Ariela at MVP Matatag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa ulat ng Philippine Eagle Center (PEC), ni-review ng isang team ng animal keepers ang CCTV footage at nakitang inatake ang Chick#29 ng isang python.

Batay sa CCTV footage, bandang 12:13 a.m. nang makitang gumagapang ang python sa kulungan ng eaglet at tinuklaw ito.

Safe ang mga kulungan ng mga Philippine eagle sa PEC, snake-proof, at may additional layer ng one-half-inch wire mesh sa ibabaw ng original cyclone wire na may butas na ang size ay 2 by 2 inches.

Posibleng dumaan ang python sa feeding chute na yari sa PVC pipe kung saan inihuhulog ang pagkain ng eaglet.

Ang kulungan ay malapit din sa isang adult Philippine eagle mula sa wild na sanay manghuli ng ahas. Gayunpaman, ang mga eaglets ay vulnerable sa atake ng mga ahas.

Ang mga reticulated pythons ay natural resident species sa loob ng PEC at mga katabing watershed area. Itinuturing ang mga ito na hazards sa ilalim ng PEC’s biosecurity measures, kaya may snake proofing ang kulungan ng mga eaglets.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May naka-set up ding mga traps sa paligid ng PEC, bukod pa sa team na nagroronda sa gabi para maitaboy ang mga ahas.

Philippine Eagle Foundation's statement on the death of Chick#29

“Our hearts may be broken by the loss of Chick#29, but we are not disheartened to continue the fight in saving our national bird,” ayon sa post ng Philippine Eagle Foundation sa official Facebook page nito noong April 8.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Philippine eagle, na kilala rin bilang monkey-eating eagle, ay isa sa pinaka-rare na agila sa buong mundo at matatagpuan lang sa Luzon, Samar, Leyte, at Mindanao.

Pinakamalaki ito at pinakamalakas sa mga agila, at nakatala bilang “critically endangered." Tinatayang nasa 700 breeding pairs na lang nito sa Pilipinas.

Ang female Philippine Eagle ay isang beses lang mangitlog kada dalawang taon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang juvenile Philippine eagle Chick#29 na namatay matapos matuklaw ng python ay kilala rin bilang si Espoir. Na-hatch siya noong December 4, 2021.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results