Watch Now

Sipalay City kinilala bilang “Kite Tourism Capital of the Philippines”

by KC Cordero
Apr 13, 2022
Colorful kites at the 8th Burangoy Kite Festival in Sipalay City
Ang kite flying ay isang family-friendly activity at eco-friendly sport. Ang pagkilala sa Sipalay City bilang “Kite Tourism Capital of the Philippines” ay malaking tulong sa promotion ng local arts and culture, at big boost para maging de-kalidad na tourist destination ang lugar.

Idineklara ang Sipalay City sa Negros Occidental bilang “Kite Tourism Capital of the Philippines” kasabay ng pagdaraos ng 8th Burangoy Kite Festival na ginanap noong March 30 hanggang April 3, 2022.

Colorful kites at the 8th Burangoy Kite Festival in Sipalay City

Ang plake ng pagkilala ay iginawad ni Kite Association of the Philippines (KAP) President Orlando Onkingko.

Tinanggap ito ni Sipalay City Supervising Tourism Officer Jerick Lacson noong April 11.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam kay Lacson ng Philippine News Agency (PNA), sinabi niyang bahagi ito ng pagsisikap ng lungsod na mapalaganap ang sustainable tourism.

Colorful kites at the 8th Burangoy Kite Festival in Sipalay City

Aniya, ang kite festival ay isang family-friendly activity.

Bukod dito, ang kite flying ay isang eco-friendly sport, at nakatutulong naman ang paggawa ng kite o saranggola para mai-promote ang local arts and culture ng Sipalay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Colorful kites at the 8th Burangoy Kite Festival in Sipalay City

Dagdag pa ni Lacson, “Most importantly, the kite itself is our symbol of hope to soar high and recover from the impacts of the COVID-19 pandemic and Typhoon Odette.”

Dahil dito, lalo aniyang pagsisikapan ng lahat ng stakeholders na mapangalagaan ang imahe ng Sipalay bilang isang de-kalidad na tourist destination.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Colorful kites at the 8th Burangoy Kite Festival in Sipalay City

Ang actual na kumpetisyon ng pagpapalipad ng kites ay ginanap noong March 31 sa Poblacion beach.

Tampok dito ang makukulay at kakaibang kites na yari mula sa iba’t ibang materials.

Walang gumamit ng plastic bilang pagsunod sa patakaran ng city government ng Sipalay na “no plastic policy”.

Matatandaang ang taunang Sipalay kite festival ang grand winner sa Best Tourism Event (Sports) City Category sa ginanap na 2018 Pearl Awards na inorganisa ng Association of Tourism Officers of the Philippines at ng Department of Tourism (DOT).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang official name nito na “Burangoy” ay hango sa mga salitang “burador” o kite at “barongoy” na isang local term para sa flying fish.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang kite flying ay isang family-friendly activity at eco-friendly sport. Ang pagkilala sa Sipalay City bilang “Kite Tourism Capital of the Philippines” ay malaking tulong sa promotion ng local arts and culture, at big boost para maging de-kalidad na tourist destination ang lugar.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results