Watch Now

VIRAL: Sinaunang larawan ng ninuno, binibigyang-kulay ng isang estudyante

by Bernie V. Franco
Apr 20, 2022
photo restoration
Marami ang napabilib sa ginagawang photo restoration ng college student na si Wilfredo Dauis II na nagre-restore ng lumang larawan ng kanyang mga ninuno. (Top photo) Ang class picture ng kanyang lola noong 1959; (bottom photo) ang larawan ng kanyang great aunt noong 1920s.
PHOTO/S: Facebook (Wilfredo Dauis II)

Napukaw ang atensiyon ng netizens nang ipost ni Wilfredo Dauis II ang class picture ng kanyang lola na kuha noong 1959.

Ni-restore at kinulayan kasi ni Wilfredo, isang estudyante mula sa Batangas, ang larawan ng kanyang 71-year-old lola na si Rosario Dauis, na eight years old lamang sa naturang class picture.restored photo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang before-and-after photos na ni-restore ni Wilfredo. Ang kanyang Lola Rosario noong 1959 (second row, second from left).

Taong 2018 nang simulan ni Wilfredo ang photo restoration gamit ang digital apps tulad ng Photoshop.

Dahil mahilig sa history, inaral ni Wilfredo ang ginagamit na kulay ng iba’t ibang dekada para maging makatotohanan ang pagkulay ng mga lumang larawan.

Makikita sa Facebook account ni Wilfredo ang mga larawang kinulayan, mula man sa kanilang angkan o o sa ilang bahagi ng kasaysayan.

Ipino-post niya ang before and after ng kanyang mga obra at nilalagyan niya ito ng captions, ang iba mga kuwento sa likod ng larawan.

Si Wilfredo ay kasalukuyang fourth-year college student sa Batangas State University at kumukuha ng Education.

Aniya, ang kanyang angkan ay mahilig talaga sa mga larawan kaya’t marami siyang black-and-white photos ng mga ito.

Dahil may kamahalan ang photo restoration, nagsariling sikap si Wilfredo para aralin kung paano gawin ito, ayon sa panayam niya sa Lingkod Kapamilya ng Teleradyo noong April 7, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ni-restore niyang elementary class picture ng kanyang lola ay nagbigay kaligayahan sa kanyang Lola Rosario.

Maging ang mga larawan ng kanyang mga ninuno noong 1930s ay kanya ring ni-restore. Gaya na lamang ng kasal ng kanyang great-grandparents na ikinasal sa Maynila noong February 13, 1932.

Ang kanyang great-grandfather ay si Sgt. Vicente A. Dauis at ang asawa nito ay si Romana Dauis.

photo restoration

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinost din niya ang larawan ng “kaka sa tuhod” o great aunt na si Feliza Aniversario Dauis, na kinunan umano noong 1920s o mas maaga pa.

photo restoration

Ang great aunt ni Wilfredo na si Feliza Aniversario Dauis na kuha noong 1920s.

RESTORING THE PAST

Ipinaliwanag din ni Wilfredo ang proseso niya ng pagre-restore ng mga larawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sinisimulan ko po yung paglilinis sa mismong picture by the use of cotton with alcohol,” aniya sa Teleradyo.

Matapos malinis ang black-and-white photo, inii-scan niya ito at ginagamitan ng mas mataas na resolution.

Matapos nito ay inaayos niya ang digital photo gamit ang Photoshop at iba pang editing apps.

Madalas ay inaabot siya ng ilang linggo bago matapos ang isang photo restoration.

“Una ko po diyan kinukulayan yung mga skin tone po nila, faces.

"Kasi sa faces po maraming features. Meron pong mga lips, meron pang mga cheeks po, at saka yung mga eyes.

“Mano-mano ko po iyan kinukulayan para at least makuha ko po yung kaliit-liitang details na nilalaman ng isang picture.”

Paliwanag ni Wilfredo, inaaral niyang maigi ang kulay na ginagamit depende sa era ng larawang inaayos.

“Katulad naman po ni Lola, medyo natatandaan po niya yung kulay ng mga suot nila way back then.

“Ginagawa ko pong pattern para, at least, guided po ako sa pagkukulay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Para, at least, hindi malayo, parang iyon pa rin ang quality ng pictures na nakuhanan noon at in-edit ko ngayon.”

photo restoration

Restored photo ng dalawang dalagang Pilipina noong 1900s.

High school pa lamang daw si Wilfredo ay interesado na siya sa history at mahilig tumingin sa mga lumang larawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nasasagot yung mga tanong ko sa isip paano kaya magiging itsura kung colored na ito.

“So parang nagiging interested ako noon dahil sa subject sa high school at dahil sa pictures na nasa bahay namin.”

Kasunod ng kanyang mga ginawa ay may mga lumalapit na raw sa kanya para ipaayos ang kanilang mga lumang larawan.

May payo si Wilfredo sa mga katulad niyang nasa larangan ng photo restoration.

“Pag-aralan natin kung ano ang ayos ng mga pictures na ire-restore natin kasi tayo po ang magtutuloy sa pinakaalaala ng susunod na generation.

“Tayo po ang mag-aayos ng mga pictures at tayo rin po ang magpe-preserve.

“Ipagpatuloy ang pag-e-edit. Makulay ang kahapon. Kailangang ayusin sa ngayon.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marami ang napabilib sa ginagawang photo restoration ng college student na si Wilfredo Dauis II na nagre-restore ng lumang larawan ng kanyang mga ninuno. (Top photo) Ang class picture ng kanyang lola noong 1959; (bottom photo) ang larawan ng kanyang great aunt noong 1920s.
PHOTO/S: Facebook (Wilfredo Dauis II)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results