PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Shaquille O'Neal sinibak dati bilang service crew

Isang araw lang siya sa trabaho.
by KC Cordero
Published Apr 27, 2022
Shaq as a service crew, and in Lakers' uniform.
Noong bagets pa siya ay naranasan ni dating NBA superstar Shaquille “Shaq” O’Neal na magtrabaho bilang crew sa isang fast-food chain, kaya malaki ang respeto niya sa mga nasa service industry.

Isa sa pinakamayamang sports personality sa buong mundo si Shaquille “Shaq” O’Neal.

Gayunpaman, nakaranas ng hirap ang kilalang basketbolista bago siya naging National Basketball Association (NBA) player.

Shaq in suit.

Ang kanyang tunay na ama ay isang drug dependent.

Lumaki siya sa kandili ng kanyang stepfather na si U.S. Army sergeant Philip A. Harrison, na itinuring siyang tunay na anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Genetically gifted, isa si Shaq sa pinakamatangkad sa kanilang klase nang magsimula siyang mag-aral. Dahil sa kanyang sukat, nagdesisyon siyang i-pursue ang paglalaro ng basketball.

Shaq while still playing for Orlando Magic.

Nang pumasok siya sa NBA, tinanghal siyang 1993 Rookie of the Year bilang miyembro ng Orlando Magic.

Nakuha rin niya ang Most Valuable Player award noong 2000.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Shaq holding his trophy.

May apat naman siyang championship rings—tatlo bilang miyembro ng Los Angeles Lakers mula 2000 hanggang 2002, at isa mula sa Miami Heat noong 2006.

Hindi gaya ng ibang NBA players na waldas sa pera, maingat si Shaq sa kanyang kinita.

Ayon sa ulat ng NBC Sports noong December 23, 2021, ilan sa investments niya ang pagmamay-ari ng 155 Five Guys Burgers restaurants, 17 Auntie Annie's Pretzels restaurants, 150 car wash shops, 40 24-hour fitness centers, isang shopping center, isang sinehan, at ilang night clubs sa Las Vegas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa isang episode ng Jimmy Kimmel Live, naibahagi ni Shaq ang kanyang naging karanasan bilang karaniwang empleyado bago siya pumasok sa NBA.

Nasubukan niyang magtrabaho bilang service crew ng McDonald’s noong teenager pa siya.

Noong panahong iyon, binigyan siya ng option ng kanyang stepdad para magtrabaho o mag-alaga na lang ng mas bata niyang kapatid.

Ani Shaq, “When I was a youngster, my father said, ‘You babysit your siblings or you go to work.’

“I said ‘I’m not babysitting no kids.’”

Pinili niya ang magtrabaho.

Natanggap siya sa McDonald’s. Binigyan pa umano siya ng uniporme na magkakasya sa kanya.

Yun nga lang, isang araw lang siya sa McDonald’s—at natanggal din agad.

“I went to work one day and I was like, 'I quit.'”

Nang tanungin kung bakit hindi siya nagtagal bilang service crew, sagot niya, “Because I got caught stealing fries.”

Hindi na siya nag-elaborate kung gaano karami ang nakain niyang french fries o kung gutom ba siya o talagang natakam lang noon kaya nagawa niya iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa kay Shaq, napakalaki ng respeto niya sa mga taong nagtatrabaho sa mga fast-food chain.

“Because that’s hard, hard work.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Noong bagets pa siya ay naranasan ni dating NBA superstar Shaquille “Shaq” O’Neal na magtrabaho bilang crew sa isang fast-food chain, kaya malaki ang respeto niya sa mga nasa service industry.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results