Pumanaw na ang tinaguriang oldest living person sa edad na 119.
Si Kane Tanaka ng Japan ang Guinness World Records' oldest living person.
Sumakabilang buhay siya noon lamang April 19, 2022.
Kinumpirma ito ni Senior Gerontology Consultant Robert Young sa ulat ng guinnessworldrecords.com nitong April 25.
Si Young ang tumulong para kumpirmahing si Kane ang “oldest person living” at “oldest person living (female)” noong 2019.
Nalampasan ni Kane ang maraming historical events, kabilang na ang World War I (1914-1918), World War II (1939-1945), at mga pandemyang Spanish flu (1918), at COVID-19 pandemic (2020- ).
Dalawang beses din siyang naka-survive sa cancer, ulat ng CNN.
Isinilang si Kane noong January 2, 1903. Siya ay ikapitong anak ng mag-asawang Kumakichi at Kuma Ota ng Japan.

Si Kane ay naninirahan sa isang rest home sa Fukuoka.
Mahilig siyang maglaro ng board games, paborito niya ang tsokolate, at gusto rin niya ang math.
Nang i-present sa kanya ang Guinness certificate noong 2019, niregaluhan siya ng chocolate, na kaagad niyang binuksan at kinain.
Nang ganapin ang Tokyo 2020 Olympics, napili siyang magkaroon ng partisipasyon sa torch relay, pero hindi siya natuloy dahil sa pandemya.
Mas bata ng tatlong taon si Kane sa tinaguriang oldest person ever at oldest person ever (female) na si Jeanne Louise Calment ng France, na pumanaw sa edad na 122 years noong 1997.
Pero mas matanda si Kane ng three years sa oldest person ever (male) na si Jiroemon Kimura ng Japan na pumanaw sa edad na 116 noong 2013.
Sa tweet ng kanyang pamilya noong April 13, sinabi nilang pabalik-balik sa ospital si Kane.
Ipinost pa nila ang kanyang mensahe sa Twitter (translated to English): “I was able to come this far with the support of many people.
“I hope you will continue to have fun, [and be] cheeful, and energetic.”
“OLDEST PERSON ALIVE,” ISANG PILIPINO
Sa kabilang banda, namatay naman ang Pilipinang si Francisca Susano a.k.a. Lola Iska noong November 22, 2021.
Siya ay 124 years old at nanirahan sa Negros Occidental.
Mas matanda pa siya kesa Kane at Jeanne, mga official Guinness World Records oldest persons na sumakabilang buhay na rin.
Read: Paalam, Lola Iska, "oldest living person in the world"
Gayunpaman, pumanaw si Lola Iska na hindi natapos ang beripikasyon ng Guinness World Records.
Pero kahit na pumanaw na si Lola Iska, magtatala pa rin siya ng bagong kasaysayan bilang world's oldest person kapag na-verity ito ng Guinness World Records.

