PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Si Tita Nena kaya ang palaboy na yumakap sa ABS-CBN reporter?

Kahawig ng palaboy ang Tita Nena sa post ng isang netizen.
Published May 2, 2022
abs cbn reporter free hug
Last week, ABS-CBN reporter Izzy Lee was in the midst of her reporting when an unknown woman approached her and gave her a free hug. The day after, a netizen claimed that the unknown woman could be her long-lost relative, Tita Nena.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN News)

Si Tita Nena na nga ba ang palaboy na yumakap sa ABS-CBN reporter na si Izzy Lee?

Ang mga larawang nag-viral sa Internet ay kuha noong April 28, 2022 habang kasagsagan ng pag-uulat ni Izzy.

Makikitang lumapit ang palaboy na tila na-conscious nang makita ang sarili sa screen monitor. Yumakap ito sa reporter at saka ngumiti.

Sa video clip na kumalat, makikita namang sinita ng isang traffic enforcer ang palaboy na lumakad palayo.

Ang sabi ng reporter, hindi naman siya kinabahan. Inisip niya na baka gusto lang ng di kilalang babae na makita sa camera.

Mabilis na nag-viral ang ang photos at video, na umabot na sa ilang milyon ang views.

abs cbn reporter

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinabukasan, April 29, may isang netizen ang nag-post ng screenshots ng babaeng palaboy na yumakap sa reporter, kalakip ang mga kuhang larawan ng kanyang tiyahin na hawig ng babaeng palaboy.

Post ng netizen na si Patricia Pangilinan Macaldo: “Tita nena sana ikaw na iyan, sana makita ka na namin. Sobrang tagal ka namin hinihintay na umuwe.”

Sabi pa nito, kapag napapadako ito sa Maynila ay tinitingnan niya ang mga taong palaboy, at umaasang makita ang kanyang Tita Nena.

Sabi pa ni Patricia, mahigit isang dekada nang nawawala ang kanyang tiyahin.

At pakiramdam daw niya ay ang Tita Nena niya ang yumakap sa ABS-CBN reporter.

Naka-tag sa post ni Patricia ang kanyang mga kamag-anak na ipinost din ang mga larawan ng kanilang Tita Nena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

searching for TITA NENA

Ngayong umaga ng Lunes, May 2, 2022, nakausap ni Amy Perez ang ina ni Patricia na si Aida Pangilinan, na kapatid ng kanilang nawawalang si Tita Nena.

Nangyari ang pag-uusap via programang Sakto sa Teleradyo.

Sabi ni Aida, naniniwala siya na ang babaeng palaboy ay ang kanyang nawawalang kapatid.

“Malaki po ang pagkaka-ano nila sa picture. Siya po ang mukha niya doon sa mga pictures na pinakita. Siyang-siya po talaga,” ani Aida.

abs cbn reporter free hug

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naibahagi rin ni Aida kung paano nawala ang kanyang kapatid.

“Kasi po namasukan sila sa Cavite, ‘tapos nung ano nabalitaan na lang po namin na umalis.

“Magbuhat po noon hindi na namin siya nakita. Hindi namin [alam] kung saan siya nakarating.”

Umalis raw ang kanyang kapatid na si Nena noong 2008 at mula noon ay wala na silang balita tungkol sa kanya.

Si Nena raw ay pang-pito sa kanilang walong magkakapatid at nakatira sila sa San Nicolas, Gapan, Nueva Ecija.

Nang umalis ito at namasukan ay nawalan na raw sila ng komunikasyon.

“Hindi ko na po nakausap dahil po nung nagpunta siya at namasukan, hindi na po kami nagkita," ani Aida.

“Talagang hinahanap po namin, nag-aano po sa Facebook para lang po siya ay makita.

“Kaya nga po nung nakita namin siya diyan sa may reporter na iyan, talaga pong naano ko po na siya iyan, kamukhang-kamukha niya.

“Kamukhang-kamukha sa picture. Yung baba niya...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkomento pa si Amy Perez na nakita niya ang pagkakahawig ni Aida sa babaeng palaboy.

Sumunod na tanong ni Amy, kung ano ang plano ngayon nina Aida.

amy perez

“Kung puwede po sana hingi kami ng tulong para po makita namin at makauwi sa amin ang kapatid namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nami-miss na po namin kasi po naawa ako, baka mamaya mapano po siya sa kalye.”

Dugtong ni Amy, nakipag-ugnayan na sila sa Department of Social Welfare and Development at sa mga awtoridad sa Las Piñas para mahanap ang palaboy.

Tiniyak din ng ABS-CBN host na ikokontak sila oras na matunton nila ang palaboy.at matukoy na siya nga si Tita Nena.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Last week, ABS-CBN reporter Izzy Lee was in the midst of her reporting when an unknown woman approached her and gave her a free hug. The day after, a netizen claimed that the unknown woman could be her long-lost relative, Tita Nena.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN News)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results