PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

“Ibuli” o local chestnut sa Pakil, Laguna, kabilang na sa protected trees

Endangered na dahil ginagawang uling
by KC Cordero
Published May 21, 2022
Nuts of ibuli fruits.
Endangered na ang puno ng ibuli na karaniwang matatagpuan sa Pakil, Laguna kaya naglabas ng ordinansa ang local government nito para mapangalagaan ang nasabing puno. Ang pinakabuto ng bunga ng ibuli kapag inilaga ay lasang kamote o chestnut.

Nakatikim na ba kayo ng nilagang buto ng bunga ng punong ibuli?

Ang puno ng ibuli ay karaniwang matatagpuan sa Pakil, Laguna.

Tumataas ito ng 25-50 metro, at namumunga mula Abril hanggang Hunyo.

Ibuli tree

Mabenta ang bunga ng ibuli lalo na sa Chinese community sa Binondo.

Ang bunga nito ay parang maliit na langka, pero ang buto kapag inilaga ay lasang kamote, o chestnut.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibuli fruits

Nut of ibuli fruit

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama na ngayon ang puno ng ibuli sa protected trees sa Pakil, Laguna matapos aprubahan ng local government nito ang Municipal Ordinance No. 2022-0165 noong April 4, 2022 na nagdedeklara na ang nasabing puno ay kailangang pangalagaan at paramihin.

Marami kasing insidente ng pamumutol ng puno ng ibuli at ibinibenta bilang panggatong at uling kaya itinuturing na itong endangered.

Magsasagawa ang Pakil, Laguna local government ng information drive para ituro sa kanilang mga residente ang kahalagahan ng pangangalaga at pagpaparami ng puno ng ibuli.

Idadagdag din sa curriculum ng mga elementary students sa Pakil ang tungkol sa ibuli.

Inirerekomenda naman ng ordinansa na isunod sa pangalan ng ibuli ang ilang public areas ang facilities sa Pakil.

Magkakaroon ng malawakang pagtatanim ng ibuli at tutukuyin ng Department of Agriculture at ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ang mga pampublikong lugar na pagtataniman.

Itatalaga ang mga barangay officials para mangasiwa sa aktibidad na ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bagamat namumunga lang ang mga puno ng ibuli kapag itinanim sa matataas na lugar, inirerekomenda rin ang pagtatanim nito sa mabababang lugar para maging pamilyar sa nasabing puno ang mga kabataan.

Maglalaan ang local government ng inisyal na budget na PHP50,000 para sa pagtatayo ng nursery at iba pang gastusin.

Ayon sa Global Biodiversity Information Facility, may mga puno rin ng ibuli sa Mindoro at Agusan del Norte.

(NOTE: Ang mga larawan na may lalaking umakyat sa puno ng ibuli ay kuha ni Jerome Sagcal.)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Endangered na ang puno ng ibuli na karaniwang matatagpuan sa Pakil, Laguna kaya naglabas ng ordinansa ang local government nito para mapangalagaan ang nasabing puno. Ang pinakabuto ng bunga ng ibuli kapag inilaga ay lasang kamote o chestnut.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results