Tumanggap ang centenarian na si Lola Eleuteria Porlas, mas kilala bilang Inse Teria, ng PHP100,000 cash gift mula sa Mandaue City government noong May 19, 2022.
One hundred years old na si Inse Teria na naninirahan sa Barangay Pagsabungan, Mandaue City.

Isinilang siya noong April 18, 1922.
Sa ilalim ng Republic Act 10868, o ang Centenarians Act of 2016, ang mga senior citizens na sasapit sa edad na 100 ay bibigyan ng parangal at makatatanggap ng PHP100,000 bilang “centenarian gift.”

Ang cash gift ay personal na iniabot kay Inse Teria nina Mandaue City Mayor Jonas Cortes, Councilor Tingsol Cabahug, chairman ng Committee on Senior Affairs, at Diosdado Suico, head ng Office of the Senior Citizens Affairs-Mandaue City.
Sa mga larawan ay makikitang sa kabila ng kanyang edad ay malakas pa si Inse Teria at nakikinig sa pagbati ng mga lokal na opisyal.
Nagpasalamat naman ang kanyang mga kapamilya sa natanggap na centenarian gift, na ayon sa mga ito ay malaking tulong sa mga pangangailangan ni Inse Teria.