PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Senior citizen nanalo ng air fryer sa video arcade

Nag-enjoy na, may premyo pa
by Bernie V. Franco
Published May 30, 2022
air fryer
Nag-enjoy na, may premyo pa. Wagi ang senior citizen na si Erlinda Isidro nang ma-redeem ang isang air fryer matapos makakolekta ng 36,000 tickets sa isang video arcade sa mall.
PHOTO/S: Janine Laguidao

Talo pa ng isang senior citizen ang mga bagets na suki ng mga video arcades sa malls.

Ito kasing si Nanay Erlinda Isidro, 66, nakapag-uwi ng air fryer, ang isa sa kinahuhumalingang kitchen appliance sa kasalukuyan.

Mahigit 36,000 tickets ang nakolekta ng ginang na residente ng Pasay City.

Kuwento ng anak ni Erlinda na si Janine Laguidao, 29, matagal nang libangan ng kanyang ina ang paglalaro sa video arcade.

“Sa MOA po siya laging naglalaro. Matagal na po siya naglalaro, e,” mensahe ni Janine sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), May 30, 2022, Lunes.

“Hindi ko na po matandaan kung gaano katagal. Siguro po mga since 2012 po yata.

“Pang-libang at palipas-oras niya lang po para mag-enjoy po.”

Nitong May 29, Linggo, ipinost ni Janine ang picture ng ina na hawak ang air fryer matapos ipalit ang libu-libong tickets.

Caption ni Janine (published as is): “Yung Nanay kong kakalaro sa Tom's World. Nakapagpalit ng AIR FRYER”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

air fryer arcade

Ibinigay na ni Erlinda Isidro sa counter ang kanyang napanalunang tickets para ma-redeem ang prize niyang air fryer.

Viral ang post ni Janine sa isang social-media community. May 54,000 reactions na ito mula nung i-post noong gabi ng Linggo.

Sa video arcade, ang challenge ay makakolekta ng maraming tickets na katumbas ay points. At ang makukuhang premyo ay depende sa quantity of tickets na nakolekta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para kay Janine, sulit ang paglalaro ng ina dahil kaligayahan niya ito.

“Malaki na din po nagastos ni Mommy talaga, pero kasi mas nag-e-enjoy po siya maglaro,” paliwanag ni Janine.

“’Tapos magre-redeem po siya ng mga appliances at pang-regalo sa Tom’s World or Timezone po.”

Nag-enjoy na si Erlinda sa paglalaro, may panregalo pa siya!

“Kadalasan po dun po siya nakuha din ng pangregalo: mga stuff toys, pambigay sa mga apo niya din po.”

Inusisa ng PEP.ph si Janine kung anong mga laro ang gusto ng kanyang ina kapag nasa arcade.

“Iba-iba po kasing mga games nilalaro niya. Basta yung may mga ticket po na arcade games, nilalaro niya po.”

Wala raw balak pigilan ni Janine ang ina sa paglalaro.

“Super support lang po ako sa kanya 101%. Para po sa anak, suportahan lang po natin ang mga nanay natin sa kanilang kaligayahan,” mensahe ni Janine.

“Mas mahalaga po yun para makaiwas po sila sa mga stress at problema po pag nakakapaglibang po sila at nakakapag-enjoy. For good health na din po.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-enjoy na, may premyo pa. Wagi ang senior citizen na si Erlinda Isidro nang ma-redeem ang isang air fryer matapos makakolekta ng 36,000 tickets sa isang video arcade sa mall.
PHOTO/S: Janine Laguidao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results