PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bahay sa Cebu, gumamit ng 2,500 recycled bottles bilang dekorasyon

Maging ang chandelier ay yari sa Coke cans.
Published Jun 8, 2022
recycled bottles
Kung titingnang mabuti, makikita na ang dingding ng bahay sa labas, maging ang bubong, ay dinikitan ng mga recycled water bottles. (Inset) Kahit ang kisame sa loob at ang chandelier ay gawa rin mula sa recycled materials.
PHOTO/S: Facebook (Eric Colminas)

Isang bahay sa Cebu ang unique na, environment friendly pa.

Libu-libong recycled bottles and cans ng mineral water at softdrinks kasi ang ginamit sa pader, pinto, bubong, at maging sa interior decor ng bahay.

Ipinost ni Eric Itaas Colminas ang larawan ng bahay sa kanyang Facebook account noong May 31, 2022.

Inimbitahan si Eric ng kanyang kaibigan mula sa Brgy. Villahermosa, Pilar, Camotes Island dahil pista sa kanila.

Pero ang ikinamangha ni Eric ay nang makita ang libu-libong recycled plastic bottles at softdrink cans na idinikit sa iba’t ibang bahagi ng bahay bilang palamuti.

Sinabi ng house owner na si Glenda Maaghop na sinimulan nila ang house project noong 2021 at inabot ng 2,500 recycled materials ang kanilang nagamit, ulat ng ABS-CBN News.

Sa mensahe naman ni Glenda sa PEP.ph, sinabi nitong sobra na sa 2,500 ang mga ginamit nilang recycled bottles sa kanilng bahay.

Ani Glenda: "Murag sobra na sa 2,500, Sir, amo nataod na bottles."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang recycled materials ay binubuo ng iba’t ibang empty water, softdrink, at iced tea bottles, at mga lata na nakolekta nila sa mga tindahan.

recycled bottles

recycled bottles

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsilbing bonding moment ng pamilya ni Glenda ang pagkakabit ng mga materyales na ito para gawing dekorasyon.

Idinikit ang mga bote sa kisame at nakagawa pa ng chandelier at hanging decors gamit ang mga recycled materials.

Mula sa labas hanggang sa loob idinikit ang mga plastic bottles, gayundin sa dingding sa loob at labas ng bahay.

Maging ang gate ng bahay ay mayroon ding mga recycled plastic bottles.

recycled bottles

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Umani naman ng mga papuri ang may-ari ng bahay para sa kanilang pagiging “creative.”

Magandang ideya raw na inilagay ang mga bottles sa loob para gawing kisame para mabawasan ang init.

water bottles

water bottles

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

water bottles

Ang iba naman ay may mga agam-agam din dahil takaw-sunog daw ang paglalagay ng plastic bottles sa iba’t ibang bahagi ng bahay.

water bottles

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

water bottles

water bottles

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung titingnang mabuti, makikita na ang dingding ng bahay sa labas, maging ang bubong, ay dinikitan ng mga recycled water bottles. (Inset) Kahit ang kisame sa loob at ang chandelier ay gawa rin mula sa recycled materials.
PHOTO/S: Facebook (Eric Colminas)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results