Trending ngayon ang pet dog na si Lucky dahil kaya nitong ipagluto ng kanin ang kanyang amo.
Si Lucky ay isang husky, at pag-aari ni Zhou na nakatira sa Zhejiang province sa eastern China.
Ayon kay Zhou, na isang full-time video blogger ng pet animal clips, nang magdesisyon siyang sumailalim sa COVID-19 test ay sinimulan niyang turuang magluto si Lucky.
Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng command gamit ang remote home surveillance system.
Ang kakaibang skill ni Lucky ay nakunan ni Zhou ng video.
Sa one-minute video ay makikitang hinugasan na ni Zhou ang bigas at inilagay sa electric cooker bago umalis para bumili ng groceries.
Maririnig din siya sa video na nag-utos sa kanyang pet. Sabi niya sa video, “Lucky, it will take me a long time to queue up for the nucleic acid test.
“Can you press the power switch for the electric cooker on?”
Nakahiga si Lucky, pero nang marinig ang boses ng amo ay tumayo.
Gamit ang dalawang paa sa harapan, ini-on nito ang electric power point board kung saan naka-plug ang rice cooker.

Matapos iyon, inutusan naman ni Zhou si Lucky na lumapit sa rice cooker para i-on din nito ang switch para masimulan ang pagluluto.
“The electric cooker, not the power strip. The nearby one,” utos niya sa kanyang pet—na ginawa naman ni Lucky.
FIRST TIME NAG-SWITCH ON NG ELECTRIC RICE COOKER
Pagbabahagi ni Zhou, kumpiyansa siyang kayang i-switch on ni Lucky ang power board strip kung saan naka-plug ang electric rice cooker.
Pero ito aniya ang unang pagkakataon na inutusan niya ang alaga na i-switch on din ang appliance.
Sa video ay ilang beses niyang inulit kay Lucky ang instructions.
“Press that button. You didn’t press it correctly. Try again and press it harder.”
Makalipas ang ilang sandali, nagawa naman iyon ni Lucky.
Papuri ni Zhou sa alaga, “How fabulous! I will prepare delicious food for you when I return home.”
SADYANG SMART SI LUCKY
Anim na taon nang alaga ni Zhou si Lucky simula noong tuta pa lang ito. Sadya aniyang matalino ito, at mabilis matuto.
Naturuan din ito na mag-flush ng toilet, at mag-on and off ng mga ilaw.
Kaya rin nitong maglagay ng seat belt sa sarili kapag nasa sasakyan.
“You can see this video is just one minute long. But, to make it, I had to spend plenty of time beforehand training the dog so that he could achieve this result,” paliwanag ni Zhou.
Mayroon din umano silang “unspoken understanding” sa isa’t isa.
“He will understand what I mean through the expression in my eyes or just from a simple hand gesture.”
Biro pa niya, “But Lucky only listens to my orders. He seems unable to understand what my wife says.”