PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet Jhonwel Reyes: Ang sikat na green soldier mime sa Baguio City

Dinarayo talaga siya ng mga turista.
by KC Cordero
Published Jun 14, 2022
Jhonwel Reyes, and as Green Soldier.
Pinagbuhusan ni Jhonwel Reyes ng panahon para maging patok ang kanyang craft bilang street mime performer. Nagbunga ang kanyang dedikasyon, sikat na sikat siya at talagang dinarayo pa ng mga fans sa Baguio City.

Sikat na sikat at dinarayo ngayon sa Baguio City ang street mime performer na si Jhonwel Reyes.

Ang “mime” ay isang sining kung saan ang performer ay naglalahad ng kuwento gamit ang body movements and gestures nang hindi nagsasalita.

Jhonwel Reyes takes selfie with fans.

Patok si Jhonwel sa mga netizens na talagang naglalaan ng oras para makapagpa-selfie sa kanya o kaya ay makunan siya ng short reel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong May 11, 2022 ay naitampok siya ng Facebook Page na AllAboutWheelsManila. Dito ay naibahagi niya ang kanyang naging journey kung paano siya naging street mime performer.

Aniya, taga-Valenzuela City talaga siya, pero ten years na siyang naninirahan sa Baguio City.

“Nagbibigay po ng munting saya sa maraming tao bilang isa pong living human art, statue, street mime performer.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong nasa Valenzuela City pa siya, kumakayod si Jhonwel bilang pedicab driver. Likas sa kanya ang pagiging masikap at masipag.

“Kinalaunan ay nagkaroon ng maraming trabaho at iba’t ibang mapapasukan, na nagbago ang buhay hanggang sa narating ko na nga po itong pagiging mime dito sa Baguio City.”

Sa Manila siya nagsimula bilang mime noong 2014.

“Nagkaroon po ako ng mga kaibigan at kakilala sa isang mall sa Manila, hanggang sa nakapag-tryout ako sa kanila.

“'Tapos naging magkakaibigan kami, nasubukan ko po doon nang halos isang buwan.”

HINDI MADALI ANG MAGING STREET MIME PERFORMER

Sa kasamaang palad, nagsara ang mall na nag-a-accommodate sa grupo ni Jhonwel.

“Nawalan kami ng lugar hanggang sa nagbakasyon kami dito sa Baguio City.”

Noong una ay turista lang si Jhonwel. Nang magustuhan niya ang buhay sa Baguio City, para may income ay sinubukan niya ang pagiging mime doon.

Aminado siyang hindi siya naging instant success, at noong una ay matumal ang nagbibigay sa kanya ng tip.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mime with little fans.

Kumikita ang isang street mime kapag kinagiliwan siya ng mga nanonood. Naglalagay sila ng pera sa box na nasa harapan niya habang nagpe-perform siya.

Kuwento niya, “Dito sa pagma-mime, hindi naman lahat ay gusto ako. Hindi lahat ay okey.

“Isa pa, pagdating naman sa income, hindi naman siya ganoon kaganda. Pero at least ay mayroon naman kahit paano.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi tumigil si Jhonwel sa pag-pursue ng kanyang passion sa pagiging isang mime. Nakatulong ang social media para makilala siya.

“Sa pag-e-entertain naman po, lahat ng bagay na pupuwedeng maibigay ko, makapagbigay ng saya sa maraming tao, nagagawa naman po natin.”

Kalaunan ay naiimbitahan na rin siya sa mga events.

“Kung saan-saan na rin po ako nalabas, kung saan-saang area, at kung saan-saang TV shows, news. Mga ganoon...

“Nakakatuwa kasi marami po palang nakaka-appreciate sa munting talent natin bilang mime.”

SUMIKAT BILANG “GREEN SOLDIER”

Iba’t ibang karakter ang ginagawa ni Jhonwel bilang street mime performer.

“Naging silver, drunken master at iba’t iba pa. Ngayon, e, marami na kasi marami na akong costume.”

Jhonwel Reyes' characters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang character niya kung minsan ay depende rin sa okasyon, gaya ng Halloween at Christmas Season.

“Pero ang pinakakilala talaga na costume ko na trademark ko dito sa Baguio City at iba pang lugar ay itong green soldier.”

Napakakuwela niya kasi, at bigay na bigay sa pagpo-pose.

Ss Facebook, ang Facebook page niyang Tito Noel Official ay may mahigit 24,000 fans.

Jhonwel Reyes' Green Soldier character.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakuha umano niya ang idea ng green soldier sa mga maliliit na laruang sundalo na binabaril sa mga peryahan.

“Sa mga costume naman, yung mga damit na kinu-customize, ako yung gumagawa ng design. Then yung props at kulay ng bawat costume ay ako rin ang gumagawa.

“Yung mga costume na hindi ko lang kayang gawin ang ipinatatahi ko.”

MAGBIGAY NG SAYA, HINDI LANG BASTA KUMITA

Alam ni Jhonwel na may iba pang mga kabataan na gusto ring maging mime na tulad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang payo niya sa mga ito, “Ipakita niyo lang ang talent niyo, at i-pursue lang talaga yung napupusuan ninyong gawin.

“Kung gusto ninyong maging mime, kailangang i-aim ninyo na makapagbigay ng saya sa mga tao, at hindi yung para lang kumita.

“Kasi ang pinaka-importante sa trabaho na ito ay yung ligaya na maibibigay natin sa kapwa. At saka yung sigla ng buhay na maibabahagi natin na mayroon tayo sa ating pagkatao.

“At huwag kayong mawawalan ng pag-asa sa lahat ng pagsubok. Kailangan ninyong patuloy na mangarap nang mangarap hanggang sa makamit ninyo iyon.”

Nagpapasalamat naman siya sa mga fans at netizens na solid ang suportang ibinibigay sa kanya bilang mime at artist sa Baguio City.

“Hiling ko lang po na suportahan din ninyo ang iba pang artists, saan mang lugar o streets na makikita ninyo sila.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinagbuhusan ni Jhonwel Reyes ng panahon para maging patok ang kanyang craft bilang street mime performer. Nagbunga ang kanyang dedikasyon, sikat na sikat siya at talagang dinarayo pa ng mga fans sa Baguio City.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results