Isang larawan ang kumalat sa social madia pagkatapos ng May 2022 election season.
Post ito ng isang Pinoy na nag-selfie kasama si outgoing Vice President Leni Robredo, na nagbiyahe sa States para sa graduation ng anak niyang si Jillian sa New York University.
Pero ang interesanteng detalye: Hindi iyon ang unang beses na nag-viral ang larawan ng Pinoy.
Bago pa nagkaroon ng social media at naging popular ang salitang "viral," naging laman ng front page ang larawan ng Pinoy.

Siya kasi ang bata na makikita sa lumang PHP500 bill. Naalala mo yung nag-abot ng bulaklak sa isang sundalo?
Ang pangalan niya ay Angelo Gutierrez, 39, isang registered nurse na nagtatrabaho ngayon sa California.
Kinumpirma ito ng kanyang dating teacher at ng columnist na si Manuel L Quezon III via social media post noong Mayo 21-22, 2022.
Ilang linggo matapos mag-reach out ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ibinahagi ni Angelo ang kuwento sa likod ng kanyang iconic photo at ang update tungkol sa kanyang buhay.
WORKING AS A NURSE IN THE U.S.
Si Angelo ay nagtapos ng B.S. Nursing sa Medici di Makati College (dating Makati Medical Center College) noong 2006.
Nagtapos siya ng Master in Business Administration – Top Executive Program sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila noong 2017.
Mensahe ni Angelo sa PEP.ph, gabi ng June 19, 2022, “Bago lang ako dito sa Amerika, I moved here just last January.
“My life in the Philippines was a simple yet comfortable one. Lumaki akong sapat lang ang pamumuhay at nakapagtapos ng pag-aaral sa pagsusumikap ng aming mga magulang.”
Si Angelo ay tubong-Metro Manila.

MEMORY ABOUT THE ICONIC PHOTO
Inusisa namin si Angelo kung natatandaan pa niya ang mga pangyayari noong abutan niya ng bulaklak ang isang sundalo.
Kuha ang larawan noong 1986, panahon ng EDSA Revolution noong panahon ng Martial Law.
Hayag ni Angelo, na three years old lamang noon, “I had very little recollection of the event.
“But the story is, I was with my parents, my aunt and my uncle, and we were caught in traffic jam along EDSA on the way to a relative’s house in Pasig.
“Knowing that there was a social movement happening, my parents decided to pull over and be one with the people.”
Nawala raw si Angelo sa paningin ng kanyang mga magulang sa dami ng tao kaya nag-alala sila.
Nang natagpuan raw nila si Angelo, namumulot siya ng mga bulaklak sa daan at iniaabot ito sa mga tao sa paligid.
Pagpapatuloy niya, “The following day, they were all surprised that a picture of me giving flower to a soldier was printed in the front page of the Philippine Daily Inquirer.”
Pagkatapos ng People Power, nangibang bansa ang ama ni Angelo para magtrabaho.
Noong 1987, umuwi ito sa Pilipinas para sa isang short vacation.
Kuwento pa ni Angelo, “I think that time was when the 500-peso bill began circulating.
"Nung nagpapalit siya ng dala niyang pera from the Middle East, he was given some 500 peso bills.
“To his surprise, nailagay yung picture ko sa likod ng pera and he started telling about it to everyone he knows.”
Pero hindi raw mauwanaan ni Angelo ang kahalagaan ng kanyang larawang sa murang kaisipan niya noon.
“Growing up, the more I understood the significance of EDSA, the more I felt humbled and honored to be a reminder of that milestone in our history.
“It was just a story of a small act from an innocent boy, but if it creates even just a small positive impact, I am glad to have been part of that.”
Sa bagong PHP500 bill, wala na ang larawan ni Angelo at pinalitan ng larawan ng Blue-naped Parrot.
THE STORY BEHIND THE PHOTO
Nito lamang June 6, 2022, may post si Angelo tungkol sa origin ng larawan.
Nung mag-viral siya matapos niyang i-post ang larawan nila ni Robredo, mabilis siyang natukoy sa social media.
Naging daan ito para ipadala sa kanya ang orihinal niyang larawan noong 1986.
Ang kanyang photo ay kuha ng late photographer na si John K. Chua. Ipinadala ito kay Angelo ni Mrs. Harvey Chua, asawa ng yumaong photographer.
Unang beses daw ni Angelo na makita ang buong larawan.
Bahagi ng kanyang caption, “The image of the boy at the back of the old 500 peso bill became more significant to me because there is actually my mom behind me, caught on camera.
“I can see in this photo how relieved and happy she was to find me after losing sight of me in the middle of a huge crowd.
“She braved the possible dangers to get me back. She has always been my hero.”
Pati ang sundalong inaabutan ng bulaklak ni Angelo ay natukoy niya.
Dugtong niya, “I learned today that the soldier in this iconic photo is formerly 5th Marine Batallion 2LT Mario Arizala Abanes PN(M) RET.”

LIFE CONTINUES FOR ANGELO
Bagamat malayo sa pamilya, may mga kamag-anak si Angelo sa Amerika na nakakatulong maibsan ang kanyang pangungulila.
“Siguro ang nami-miss ko sa 'Pinas yung saya ng Pasko, yung luto ng mommy ko, saka yung mga pasyalan sa atin like El Nido, Coron, and Oslob,” pagbabahagi niya.
Hangad niyang makauwi sa Pilipinas once a year.
Tinanong namin si Angelo tungkol sa kanyang career plans.
“Gusto ko pang palawakin ang kaalaman at experience ko sa healthcare industry.”
“I’d like to share my short-term plan, which is to do further studies.
“Long-term would be to give back in any way out of what I will be able to achieve in years to come.”
