PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Biik na dalawa ang ulo, isinilang sa Pilipinas ngayong pandemya

Yung isa, tatlo ang mata.
by KC Cordero
Published Jun 20, 2022
Piglet with two heads.
Dalawang kaso ng iniluwal na mga biik na dalawa ang ulo ang naiulat sa kasagsagan ng pandemya sa Pilipinas. May mga ganito ring pangyayari sa USA at China. (Photos courtesy of Balitang Cute at Kakaiba)

Kasagsagan ng pandemya noong July 6, 2021 nang manganak ang alagang inahing baboy ni Aling Eloisa Baliguat, 24, ng Barangay Bialong, Mlang Cotabato.

Sanay na siya sa ganitong sitwasyon dahil tatlong taon na siyang nag-aalaga ng baboy.

Pagbabahagi ni Aling Eloisa, normal ang naunang pitong biik na iniluwal ng kanyang inahin.

Ngunit ang ikawalong biik ay kakaiba dahil dalawa ang ulo nito. Pero dahil hindi gaanong na-develop, patay na nang ilabas.

Normal muli ang ikasiyam na biik.

Nahirapan naman ito sa paglalabas sa pangsampu at pinakahuling biik kaya kinailangan niya itong tulungan at alalayan sa pamamagitan ng pagtulak sa bahagi ng tiyan nito.

Ayon kay Aling Eloisa, nang lumabas ang ulo ng biik ay namimilipit sa sakit ang inahin.

Itinulak niya nang itinulak ang bahaging nakapa niya sa tiyan nito na tila may isa pang ulo. Akala niya noong una ay panibagong biik iyon.

Pero laking gulat niya dahil nang tuluyang makalabas ang biik, nakita niyang dalawa ang ulo nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Piglet with two heads.

At hindi gaya ng pangwalo, fully developed ito kahit dalawa ang ulo—at buhay.

Agad niya iyong kinunan ng picture.

Inalalayan niya ito at ang ibang biik para makasuso sa inahin, bagaman at napansin niyang nahihirapan na itong huminga.

July 8, bandang hapon, namatay ang biik na dalawa ang ulo.

Ayon kay Aling Eloisa, meron na siyang agam-agam na hindi ito magtatagal dahil hindi nga ito normal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

“POLYCEPHALY” ANG DAHILAN

Hindi lang ang inahin ni Aling Eloisa ang nakapagluwal na ng biik na may dalawang ulo. Marami ring kaso nito sa ibang bansa, gaya sa USA at China—na mga dokumentado rin.

Sa katunayan, dito sa Pilipinas, noong May 17, 2020 ay may biik na ipinanganak na dalawa ang ulo pero tatlo lang ang mata sa Balasan, Iloilo.

Pinangalanan itong “Copig” ng may-ari na si Cathy Dulalia Cancel.

Piglet with two heads.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Copig lang umano sa 13 biik ang ipinanganak na may kakaibang kondisyon. Namatay rin ito kinabukasan.

Ayon kay Dr. Darel Tabuada, veterinary officer ng Iloilo Province, isang congenital anomaly ang kondisyon ng biik at hindi ito nag-fully develop na maging dalawang biik.

Tinatawag ang congenital anomaly na polycephaly.

Rare condition ito at walang eksaktong dahilan, at pinaniniwalaang sanhi ng “either an embryo splitting incompletely or two or more embryos fusing together.”

Si Rudy, isang biik na dalawa rin ang ulo na isinilang noong 1998 sa Iowa, USA ang pinakamahaba ang naging buhay na umabot sa siyam na buwan.

Nakatakda sana itong isailalim sa reconstructive surgery, pero namatay siya sanhi ng aneurysm ilang araw bago ang operasyon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dalawang kaso ng iniluwal na mga biik na dalawa ang ulo ang naiulat sa kasagsagan ng pandemya sa Pilipinas. May mga ganito ring pangyayari sa USA at China. (Photos courtesy of Balitang Cute at Kakaiba)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results