PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Graduating cum laude sa Boracay naging biktima ng freak accident

Kelangan niya ng PHP1 million para ma-cover lahat ng medical expenses.
by Bernie V. Franco
Published Jul 1, 2022
mary jane plaza
Just a few days before her graduation, Mary Jane Plaza is hit by a stone and operated on for broken skull. She may just make it to her graduation after her surgery.
PHOTO/S: Facebook (Christine Plaza)

Nakatakdang magtapos bilang cum laude si Mary Jane Plaza, 22, mula sa Manocmanoc, Boracay, ngayong July 2022.

Sa kasamaang palad, tinamaan siya ng bato sa ulo at nabasag ang skull habang nakasakay sa pampasaherong L3 Van, gabi ng June 27, 2022.

Sa post ng kapatid ng biktima, sinabi nitong nag-extend umano ang damage sa utak.

Isang lalaking nakainom ang pumulot ng bato at ibinato ito para maglabas ng galit.

Pero tumama ito sa sinasakyan ni Mary Jane, nabasag ang salamin at tumama sa noo ng dalaga na pauwi noon mula sa graduation ng isa niyang kapatid.

Isinailalim sa operasyon si Mary Jane dahil kung hindi ay manghihina ang kanyang memory at magpapatuloy ang bleeding.

Pero ang hamon ngayon sa pamilya nila ay ang malaking gastos dahil sa surgery ni Mary Jane.

Ang gastusin ay tinatayang PHP1 milyon.

Si Mary Jane ay cum laude sa kursong B.S. Education major in Mathematics mula sa Aklan State university Banga Campus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magmamartsa sana siya sa graduation day nila sa July 11.

Kaya naman ang kanyang mga kapatid, umapela ng tulong sa mga netizens via social media.

Hindi sila nabigo dahil maraming netizens ang duminig sa kanilang panawagan.

Nagkaroon din ng fund-raising event ang kinabibilangang school organization ni Mary Jane.

THE INCIDENT

Ibinahagi ni Loren Joy Plaza, 23, kapatid ni Mary Jane, ang pangyayayari via direct messaging ngayong Biyernes, July 1, 2022.

Kuwento niya, “Nanggaling po kami sa graduation ko nung time na yun. Then habang nagbibiyahe po kami pauwi, bigla pong binato kami ng isang lalaki ng bato sa sinasakyan naming van.”

Isinugod si Mary Jane sa ICU sa Panay Health Care Hospital at isinailalim sa operasyon noong June 28, Martes.

Ayon sa ulat, ang suspek ay naglasing matapos magkaroon ng away kasama ang asawa.

Sa kalasingan, dinampot nito ang bato at inihagis para ilabas ang sama ng loob na tumama naman sa sasakyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa FB page ng Nabas Municipal Police Station sa Aklan, ipinost nito na nadakip na ang suspek na nahaharap ngayon sa tatlong reklamo: serious physical injury, slight physical injury, at malicious mischief.

Samantala, update ni Loren Joy ukol sa kapatid: “Bale po naging successful po yung operation niya nung Martes.

“At ngayon naging okay na po at nakakain na rin po siya ng mga soft meal.

“Sabi ng doktor, possible na makakaakyat po siya sa graduation niya sa July 11.

“Naga-recover na lang po siya ngayon at baka po next week sabi ng doktor, makalipat na po sa ibang room, dahil nasa ICU pa rin po kasi siya hanggang ngayon.”

Ang bad news naman: “Hamon po ay yung financial para sa gastusin, lalo na sa operation niya.”

Sa operasyon pa lamang ay tinatayang PHP700,000- PHP800,000 ang gagagastusin nila, wala pa raw rito ang doctor’s fee at iba pang medical fees.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakapag-down ang kanilang pamilya ng PHP250,000 para maoperahan si Mary Jane.

Malaki ang pasasalamat ni Loren Joy na may mga netizens na may mabubuting loob ang tuloy-tuloy na nagpapaabot ng tulong, pero malaking halaga pa ang kinakailangan nila.

Para sa mga nais magbigay ng tulong sa pamilya ni Mary Jane via GCash, narito ang mga numero:

Jun Fred Cañete (09488972487); Rhea Mae Lantaca (09605388366); Michael Angelo Mantele (09654460128), Maria Donna Plaza (09569351908) o sa BPI account ni Maria Christine Joy Plaza (2529237068).

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Just a few days before her graduation, Mary Jane Plaza is hit by a stone and operated on for broken skull. She may just make it to her graduation after her surgery.
PHOTO/S: Facebook (Christine Plaza)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results