Isang malagim na trahedya ang sinapit ni former Japanese Prime Minister Shinzo Abe na pumanaw ngayong Biyernes, June 8, 2022.
Binaril nang dalawang beses si Abe, 67, habang nagbibigay ng speech sa isang political campaign event sa Nara, Japan.
Isinugod agad sa ospital ang former prime minister, pero binawian ito ng buhay.
Nahuli naman ang suspek at nasa kustodiya na ng Japanese authorities.
Si Abe, na nagsilbi for 14 years, ang longest-serving prime minister sa Japan.
ABE ADOPTS A PHILIPPINE EAGLE
Sa kabila ng nakalulungkot na balita, may iniwang magandang alaala ang dating Japanese official sa Pilipinas.
Naging memorable ang kanyang pagbisita sa Pilipinas noong January 13, 2017.
Isang rescued Philippine eagle ang pinangalanang Sakura, bilang parangal kay Abe.
Si Sakura ay isang rescued eagle na natagpuan sa Talaingod, Davao del Norte na nagtamo ng gunshot noong 2016.
Ang sakura o cherry blossoms ay ang pamosong bulaklak sa Japan, at itinuturing na "national flower" ng mga Hapones.

Aliw na aliw si former Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa ibinigay sa kanyang Philippine eagle stuffed toy noong 2017. Kasama niyang bumisita noon sa Pinas ang asawang si Akie.
Isang ceremonial adoption ng ibon ang ginanap sa Waterfront Insular Hotel in Lanang, Davao City.
Inabutan ni former President Rodrigo Duterte si Abe ng Philippine eagle stuffed toy at framed photo ng Philippine eagle na si Sakura.
Hindi binitbit si Sakura sa seremonya dahil nagpapagaling ito sa Philippine Eagle Center.
Dahil sa parangal na ibinigay kay Abe, nag-pledge siya noon ng PHP125,000 sa susunod na limang taon para sa rehabilitasyon at pag-aalaga kay Sakura.
Sadly, ngayong 2022, ang fifth year ng kanyang pledge.

Sa isang ceremonial adoption noong 2017, inabutan noon ni President Rodrigo Duterte ang noon ay Japanese Prime Minister na si Shinzo Abe.
Sinabi pa noon ni Philippine Eagle Foundation Inc. Executive Director Dennis Salvador na dati nang tumulong ang Japanese government sa pagpapatayo ng education center ng Philippine Eagle Center.
Ang Japan ang first foreign government na nag-adopt Philippine eagle, sabi pa ni Salvador.
Read also:
