PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Imahe ng Birhen, lumitaw sa bunga ng mais sa Iligan City?

Bunga ng mais, taglay ang imahe ng Birheng Maria?
Published Jul 9, 2022
Birhen image
Imahe ng Birhen Maria lumitaw umano sa isang bunga ng mais sa Iligan City at nagbibigay raw ng himala?
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)

Dinarayo ng mga deboto ang isang barangay sa Iligan City dahil lumitaw umano ang imahe ng Birheng Maria sa isang bunga ng mais.

Diumano, may hatid itong milagro sa mga may karamdaman at nagdadala ng suwerte para sa magandang ani.

Ang milagrosong bunga ay naka-display sa isang maliit na kapilya na nasa pangangalaga ni Virginia Ancho.

“Lahat sila pupunta dito, lahat ng hinihingi nila na mga [lunas sa] mga sakit,” panayam kay Virginia sa episode ng Dapat Alam Mo! noong July 7, 2022.

Kuwento ni Virginia, ang dating tagapag-alaga ng bunga ay ang inaalagaan niyang si Nanay Barita.

Ibinahagi rin ni Virginia kung paano natuklasan ni Nanay Barita ang diumano’y milagrosong bunga.

“Nung August 1, 2001, nag-ani siya ng mais. Pagbukas ng mais, may nakita siyang kakaibang bagay at nakita ang imahe ng Birhen.”

Kuwento pa ng pamilya ng dating tagapag-alaga, may mga deboto na humihingi sa kanila ng binhi para sa pagtatanim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagiging maganda raw ang kanilang ani.

Diumano, habang tumatagal ay mas lumilinaw rin ang imahe ng Birhen sa bunga ng mais.

Hindi rin daw nabubulok ang bunga ng mais na kinalalagyan nito.

Birhen image

WHAT AN EXPERT SAYS

Samantala, naniniwala naman ang crop science expert na si Lolita Beato, Ph.D, na may human factor ang diumano’y paglitaw ng imahe ng Birhen sa mais.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung ang itinanim mo ay corn seed ang kanyang ibubunga ay corn, of course,” ani Beato.

“Posible na ang nangyari diyan sa corn na meron kayo diyan ay it is being manipulated by human factors."

Dagdag pa niya, inaasahan ding ang isang halaman ay mabubulok.

“Ang paglaki ng corn, that is by nature. Wala tayong variety ng mais na may Birhen, may mais na lumaki. Bakit lumaki? Kasi meron na siyang sakit.

“Ito namang grain crops na ito iyan naman ay masisira. Mabubulok din iyan kahit ano pa ang pagkakatuyo niyan.”

Pahayag naman ng Simbahang Katoliko, masusing pag-aaral at pagsusuri ang kailangan bago nila kilalaning milagroso ang binhi.

“Ang mag-iimbestiga niyan hindi lamang mga pari, kundi mga expert rin sa siyensya at medisina," ani Father Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines on committee on public affairs.

“Lalong-lalo na ang mga ganitong occurrence, phenomena ay hindi naman din talaga madaling iexplain."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paniniwala naman ng mga deboto at taga-ingat ng diumano’y milagrosong binhi, ang paglitaw umano ng imahe sa bunga ng mais ay paalala sa mga nakakalimot sa kanilang pananampalataya at paalaala na magsipag sa pagtatanim.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Imahe ng Birhen Maria lumitaw umano sa isang bunga ng mais sa Iligan City at nagbibigay raw ng himala?
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results