Nakahuli ang Swedish na si Lars-Johan Larsson ng “extremely rare” blue lobster noong July 4, 2022 sa Portland, USA.
Sa kanyang Twitter account na @LarslohanL, ibinahagi ni Lars-Lohan ang larawan ng kanyang nahuling pambihirang asul na lobster.
Sinabi rin niya na ang tsansa na makahuli ng lobster na asul ang kulay ay napakaliit.
Nilagyan niya ito ng caption na: “This blue Lobster was caught off the coast of Portland yesterday and returned to the water to continue to grow. Blue lobsters are one in two million.”
Agad nag-trending ang post ni Lars-Lohan.
Karamihan sa mga lobsters ay kulay brown o red.
Kinatigan naman ng Lobster Institute sa University of Maine ang pahayag ni Lars-Johan na sobrang bihira ang asul na lobster.
Ayon sa Lobster Institute, “A blue lobster is very rare and the chances of finding one are one in two million.”
Nagiging red naman umano ang blue lobster kagaya ng regular lobster kapag iniluto.
“Blue Lobsters are so-colored because of a genetic abnormality that causes them to produce more of a certain protein rather than the usual red-colored lobsters,” ayon naman sa 2016 report ng BBC.
Ayon pa sa ulat ng BBC, may mas rare pa sa blue lobster gaya ng yellow lobster na posibleng isa lang ang lumabas sa 30 million.
Mayroon ding albino o crystal lobster na isa lang sa 100 million ang puwedeng ma-produce.
Ikinatuwa naman ng maraming netizens ang naging desisyon ni Lars-Johan na ibalik sa dagat ang nahuling blue lobster.