PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wanted: “Rapist” ng baboy sa Cebu

Kababaihan pinangangambahang sunod na gawing target
by KC Cordero
Published Jul 11, 2022
The pair of shorts by the alleged pig rapist.
Hindi pa kilala ang diumano'y rapist ng baboy, pero pursigido ang pulisya sa Argao, Cebu na matukoy ito at maparusahan ito dahil baka sunod na gawing target ang kababaihan sa lugar. Ang shorts na naiwan ng kriminal sa kural ng baboy ang tanging pagkakakilanlan dito.

Pinaghahanap ngayon ng mga tauhan ng Argao Police sa Cebu ang isang lalaking hinihinalang gumahasa sa alagang baboy ni Pamela Bancale.

Si Pamela ay barangay secretary sa Brgy. Bug-ot, Argao, at matagal nang nag-aalaga ng mga baboy.

Pamela Bancale narrating the incident in a radio interview.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu, sinabi ni Pamela na posibleng ginahasa ang kanyang alagang baboy matapos mapansin ng kanyang mister na nagdurugo ang kaselanan nito noong umaga ng July 4, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May naiwan ding shorts na panlalaki sa kulungan ng baboy na posibleng pagmamay-ari ng rapist.

Plano sana ni Pamela na gawing inahin ang kanyang alagang baboy, ngunit dahil sa naging paglapaatangan dito, posibleng ibenta na lang niya ito.

Baka aniya naapektuhan ang reproductive organ ng baboy at hindi na makapag-produce ng mga biik.

Sinabi ni Lieutenant Colonel Mark Gifter Sucalit ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) na sakaling madakip ang gumawa ng krimen, sasampahan nila ito ng paglabag sa Republic Act 10631 o ang Animal Welfare Act of 1998, at sa Article 327 ng Revised Penal Code dahil sa malicious mischief and grave scandal.

Pursigido ang pulisya na matukoy at mahanap ang suspek dahil posible umanong sunod nitong maging target ng kahayukan ang mga kababaihan sa lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi pa kilala ang diumano'y rapist ng baboy, pero pursigido ang pulisya sa Argao, Cebu na matukoy ito at maparusahan ito dahil baka sunod na gawing target ang kababaihan sa lugar. Ang shorts na naiwan ng kriminal sa kural ng baboy ang tanging pagkakakilanlan dito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results