PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Honesty store sa Cavite, tapat ang mga suki; wala pang lugi

Wala pang lugi sa tatlong buwan mula nang itayo ang honesty store.
by Bernie V. Franco
Published Jul 12, 2022
honesty store
Sa Rosario Honesty Store sa Cavite, pinapairal dito ang kasabihang "honesty is the best policy."
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN News)

Mula nang simulan ni Wilfredo Perlas ang kanyang honesty store three months ago ay hindi pa ito nalulugi.

Itinayo ni Wilfredo, kilala rin bilang Papa Dudut, ang Rosario Honesty Store sa ilalim ng isang puno sa Isla Bonita, Rosario, Cavite.

Sinimulan niya ito matapos masira ng kanyang tricycle na ginagamit niya sa paglalako ng mga paninda.

Ipinirmi niya ang kanyang mga paninda sa isang puwesto sa Isla Bonita, ulat ni Michael Delizo ng ABS-CBN News.

Samantala, kinuhang kusinero si Wilfredo sa mayor’s office kaya kinailangan niyang iwan ang kanyang tindahan.

Sa isang puting papel, nakasulat doon ang “Rosario Honesty Store.”

honesty store

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mapapansing nakalista ang bawat pangalan ng paninda at ang mga presyo nito.

Nakasulat sa malaking puting papel ang presyo ng kape, gatas, toyo, suka, at iba pang sangkap panluto.

May tinda ring mga gulay at prutas at naka-indicate kung magkano kada kilo.

Mayroon pang mga nakakaaliw na reminders si Wilfredo sa mga nagtatangkang mang-umit sa kanyang tindahan.

Isang halimbawa ito: “Kung inaakala mong nakaisa ka—nagkakamali ka dahil hindi ka makakaligtas sa kaibigan kong tsismosa.”

May isa pang paalala: “Maging honest sa pagbili [nang] hindi makarma sa huli.”

honesty store

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HONEST CUSTOMERS

Kanya-kanya ang mga suki ni Wilfredo sa pagbili, pagtimbang, pagbayad, at pagkuha ng sukli.

Sa tatlong buwan na nakalipas ay epektibo ang Rosario Honesty Store. Kumpiyansa rin si Wilfredo sa kanyang tindahan.

Sabi niya, “Alam ko naman ang nawawala, kaya alam ko naman ang nabebenta riyan. Tapat naman sila, e.”

Kumikita si Wilfredo ng PHP1,200 hanggang PHP1,400 kada araw. Ang kanyang naging puhunan ay PHP17,500.

Sa ulat, sinabi ng isang residente na mabuting tao at marunong makisama si Wilfredo, kaya tinatangkilik ng kanyang mga suki ang kanyang tindahan.

Sabi naman ng isa pang residente, takot siyang gumawa nang masama kaya tapat siya kapag bumibili sa honesty store.

Paalala naman ni Wilfredo sa mga customer, “Sana po ang tao maging mabait sa kapwa para tularan tayo ng ibang taong dumadayo sa atin.”

Hangad ni Wilfredo na lumago pa ang kanyang honesty store.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa Rosario Honesty Store sa Cavite, pinapairal dito ang kasabihang "honesty is the best policy."
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN News)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results