PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mary Jane Plaza, freak-accident victim, misses graduation

Nagkaroon siya ng sariling ceremony sa hospital bed.
by Bernie V. Franco
Published Jul 14, 2022
mary jane plaza
Hindi nakadalo sa kanyang graduation ang cum laude na si Mary Jane Plaza dahil nasa ospital ito matapos ang isang freak accident. Kaya naman gumawa ng paraan ang kanyang barkada para bigyan siya ng kakaibang "graduation."
PHOTO/S: Facebook (Christine Plaza, Kathrine Licerio)

Hindi natuloy ang cum laude student na si Mary Jane Plaza, 22, sa pagdalo sa kanyang graduation noong July 11, 2022.

Si Mary Jane, taga-Manocmanoc, Boracay, ay ang graduating student na tinamaan ng bato sa ulo habang nasa biyahe noong June 27, 2022.

Cum laude si Mary Jane sa kursong Bachelor of Science in Education, major in Mathematics sa Aklan State University - Banga Campus.

Related article: Graduating cum laude sa Boracay, biktima ng freak accident; inoperahan sa ulo

Noong araw ng aksidente, nakasakay sa van si Mary Jane. Isang lasing na lalaki ang dumampot ng bato at ibinato ito. Tumama ang bato sa sinasakyang van ni Mary Jane.

Nabasag ang salamin ng van at tumama ang bato sa noo ni Mary Jane. Bumaon ito sa kanyang skull kaya kinailangan siyang operahan agad.

Nakapalitan ng messages ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kapatid ng biktima na si Loren Joy Plaza noong July 1, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nabanggit ni Loren Joy na si Mary Jane ay naoperahan na at nabigyan ng go-signal ng doktor na puwedeng pumunta sa graduation.

Pero hamon sa pamilya ang may PHP1 milyong nagastos sa pagpapagamot kay Mary Jane.

Nanawagan noon ang pamilya sa publiko via social media at nakapag-down sila ng PHP250,000 para maoperahan si Mary Jane.

WHY MARY JANE DID NOT MAKE IT TO HER GRADUATION

Nakipag-ugnayan muli ang PEP.ph kay Loren Joy simula nitong July 11 para humingi ng update ukol sa kapatid.

Ibinunyag niya ang dahilan kung bakit hindi nakadalo si Mary Jane sa kanyang graduation.

“Dahil hindi po kami makalabas at baka kasi po makaramdam ng sakit sa ulo niya.

“Kaya minabuti na hindi na lang po para sa kaligtasan ng kapatid ko," ani Loren Joy.

Kamusta ang kalagayan ni Mary Jane?

“Hindi pa po full yung recovery dahil may nararamdaman pa siyang sakit, lalo na ulo niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero dinadaan niya sa positive [thinking] yung nararamdaman niya,” update ni Loren Joy.

Nabanggit ni Loren Joy na hindi pa nila tuluyang nababayaran ang utang nila sa ospital.

“Hindi po makalabas yung kapatid ko dahil need namin bayaran lahat ng balance sa hospital. Nasa PHP255,189 po yung bill.”

Pero nitong July 13, matapos ang halos tatlong linggo sa ospital, nakalabas na rin si Mary Jane.

Pagbabahagi ni Loren Joy, “Nakalabas na po yung kapatid ko dahil sa mga taong tumulong.

“Pero may nilagdaang kasunduan na dapat pa rin bayaran. Nasa PHP255,189 pa ang balance na need bayaran.”

Inihayag din Loren Joy na nasa kustodiya pa rin ng pulisya sa kanilang lugar ang suspek at ongoing ang pagsasagawa ng mga hearing.

“Bale po nagkaroon po kami ng hearing kahapon [July 12], subalit hindi po umamin ang suspek, kaya may second hearing pa kami.”

Mary Jane Plaza

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Mary Jane Plaza bago ang aksidente. (Inset) si Mary Jane habang nasa ospital.

"GRADUATION" AT THE HOSPITAL

Sa kabilang banda, dahil hindi nga nakadalo si Mary Jane sa kanilang graduation, gumawa ng paraan ang kanyang mga kaibigan para matanggap pa rin niya ang kanyang medalya at diploma.

Nagsadya sa ospital ang mga kaibigan at pinasuot si Mary Jane ng toga, binigyan ng bouquet of flowers, at ipinasuot ang medalya nito bilang cum laude.

Hindi man nakatuntong ng entablado sa kanyang graduation, may graduation picture pa rin si Mary Jane, salamat sa kanyang mga kaibigan.

mary jane plaza

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon ay patuloy ang panawagan ng pamilya ni Mary Jane ng tulong pinansiyal para mabayaran ang higit PHP200,000 na balanse sa hospital bill.

Para sa mga nais magpaabot ng tulong narito ang mga detalye:

GCash - (Mary Jane Plaza, 09473672410)

BPI account name: Maria Christine Joy Plaza (Account no: 2529237068)

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi nakadalo sa kanyang graduation ang cum laude na si Mary Jane Plaza dahil nasa ospital ito matapos ang isang freak accident. Kaya naman gumawa ng paraan ang kanyang barkada para bigyan siya ng kakaibang "graduation."
PHOTO/S: Facebook (Christine Plaza, Kathrine Licerio)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results