PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VIRAL: Birthday cake na sermon ang dedication

Dedication o sermon? Ano ang totong kuwento?
by Bernie V. Franco
Published Jul 19, 2022
cake dedication
"Nagpabili ka pa talaga ng cake..." simula ng dedication cake na may sermon sa birthday girl na si Cybelle Purog. Pero bakit nga ba kakaiba ang dedication? Narito ang kuwento.
PHOTO/S: Facebook (Cecille Gallon Purog)

Birthday cake na may halong sermon?

Kinagiliwan sa social media ang birthday cake na may kakaibang dedication.

Sa halip kasi ng isang matamis na pagbati, ang mensahe para sa birthday girl ay may halong pagmamaktol.

Nakasulat sa dedication cake (published as is): “Nagpabili ka pa talaga ng cake CYBELLE Kita mo ngang wala pa kaming sweldo at enrollment pa ng mga pamangkin mo."

Hindi naman kaya nabulunan ang pinagbigyan ng cake?

Also read: Graduate, ipinaalam sa parents na siya ay magna cum laude gamit ang money cake

THE STORY BEHIND THE DEDICATION

Ayon kay Cecille Gallon Purog ng Bacoor, Cavite, ang makulit na dedication ay katuwaan lamang nilang magkakapatid para sa kanilang kapatid na si Cybelle, na nag-birthday noong July 10, 2022.

Kuwento ni Cecille sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog, “Bukod kasi sa wala akong sweldo, hindi naman iyon ibig sabihin na wala talaga kaming pambili. Wala talagang nakaisip na ibili siya ng cake.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa katunayan, sa July 13 post ni Cecille, ipinost pa niya ang mensahe ni Cybelle sa kanyang mga kapatid na humihinging regaluhan siya ng cake.

Sabi sa message ni Cybelle (published as is): “Bilhan nyo naman ako ng cake Nabubuwisit ako sa inyo Ayaw ko bilhan sarili ko ng cake Alangan ilagay ko happy birthday ganda”

dedication cake

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Cecille, nag-request pa si Cybelle na lagyan ang cake ng kakaibang dedication.

Paliwanag ni Cecille, “Sabi niya, ‘Naisip niyo pa talagang lagyan ng ganyan. Ang sabi ko lang naman lagyan niyo, ‘Happy birthday, ganda!’”

Ani Cecille, normal ang biruan sa kanilang magkakapatid at bawal ang pikon.

“Tawa siya nang tawa,” ani Cecille ukol kay Cybelle.

“Siya yung hindi palahingi kasi kaya niyang i-provide sa sarili niya. Nung araw na iyon na humingi siya, parang first time.”

Pero kidding aside, nais iparating ni Cecille sa nakababatang kapatid na si Cybelle na mahal niya ito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nagpabili ka pa talaga ng cake..." simula ng dedication cake na may sermon sa birthday girl na si Cybelle Purog. Pero bakit nga ba kakaiba ang dedication? Narito ang kuwento.
PHOTO/S: Facebook (Cecille Gallon Purog)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results