PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Scientist Etienne Klein's "star" is a slice of Spanish chorizo

“A scientist's joke."
by KC Cordero
Published Aug 8, 2022
Twitter post of Etienne Klein
Sa panahon na maraming nagmamatyag sa paglaganap ng fake news, maraming hindi na-amuse sa Twitter post ni ng French scientist na si Etienne Klein, na pabirong nag-post ng slice ng Spanish chorizo at sinabing isang bituin iyon. Masasabi ring may halong pangungutya ang joke ni Klein marami ang agad na naniwala sa kanyang post.

Gumawa ng ingay sa social media ang prominenteng French scientist na si Etienne Klein nang mag-post siya sa Twitter noong July 31, 2022, ng aniya ay latest photo ng Proxima Centauri, ang pinakamalapit na bituin sa Sun na nakunan ng James Webb Space Telescope.

Nilagyan niya ito ng caption in French, na roughly translated as, “Photo of Proxima Centauri, the closest star to the Sun, located 4.2 light years from us.

“She was taken by the JWST.

“This level of detail… A new world is revealed day after day.”

Pero ibinunyag din ni Klein na ang larawan ay hindi pala ang Proxima Centauri lalo na nung maging mainit ang talakayan ng netizens tungkol dito.

May nagsabi kasi na parang hiniwang slice ng sausage lang ang larawan.

SLICE LANG NG CHORIZO

Inamin naman ni Klein na slice nga lang ito ng Spanish sausage chorizo.

Aniya sa kanyang translated tweet, "According to contemporary cosmology, no object belonging to Spanish charcuterie exists anywhere but on Earth."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa kay Klein, na may mahigit 91,000 Twitter followers, maraming social media users ang hindi makakaunawa sa kanyang joke.

Ginawa umano niya ito para mahikayat ang mga nasa Internet "to be wary of arguments from people in positions of authority as well as the spontaneous eloquence of certain images."

Hindi lang isang warning kundi masasabi ring may halong pangungutya ang joke ni Klein sa dami ng mga naniniwala sa fake news.

Ngunit sa panahon ngayon na maraming nagmamatyag sa paglaganap ng fake news, marami rin ang hindi na-amuse sa Twitter post ni Klein, kabilang ang pamunuan ng Atomic Energy Commission ng France.

Isang research director ang nagsabing “inappropriate” ang joke dahil nakabatay ito sa false information.

"A SCIENTIST'S JOKE"

Agad namang humingi ng paumanhin si Klein sa mga napapaniwala niya.

Aniya, "I come to present my apologies to those who may have been shocked by my prank, which had nothing original about it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi rin niyang ang kanyang tweet ay isang "scientist's joke."

Agad din siyang nag-post ng larawan ng Cartwheel Galaxy na kuha pa rin ng James Webb Space Telescope.

Tiniyak niya sa mga Twitter users na totoo na ang larawan ng Cartwheel Galaxy.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa panahon na maraming nagmamatyag sa paglaganap ng fake news, maraming hindi na-amuse sa Twitter post ni ng French scientist na si Etienne Klein, na pabirong nag-post ng slice ng Spanish chorizo at sinabing isang bituin iyon. Masasabi ring may halong pangungutya ang joke ni Klein marami ang agad na naniwala sa kanyang post.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results