PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mga “pamahiin” ni James Baguin para maging board topnotcher

“Ginawa ko yung nagsuot ng pulang underwear, haha!"
by KC Cordero
Published Aug 20, 2022
Leo James C. Baguin as a student and as an engineer
May mga pamahiing sinusunod ang ibang kumukuha ng board exam para bukod sa makapasa ay makasama pa sa Top 10. Ibinahagi ni Leo James Baguin ang naging epekto nito sa kanya.

Isa si Leo James C. Baguin, mas kilala bilang James, ng Cagayan de Oro City sa mga nakapasa sa May 2022 Civil Engineering Licensure Exam.

Nagtapos siya sa University of Science and Technology of Southern Philippines noong April 2019.

Leo James C. Baguin graduation photo

Nakapanayam si James ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 6, sa pamamagitan ng Facebook Messenger.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento niya, “Way back in first year high school, pina-recite kami ni Teacher kung anong profession ang gusto namin paglaki.

"May isa akong kaklase na nabanggit niya ang kursong civil engineering at tinanong ko siya kung ano ang ginagawa sa kurso na iyan.

“Sabi niya, more on math at may drawing. Mahilig akong mag-drawing at nakakaintindi sa math, nag-civil engineering ako.

“Pero pagdating sa college, doon ko na-realize na ang hirap ng math sa engineering.”

NADALIAN SA HIGH SCHOOL, NANGAMOTE SA COLLEGE

May bahid ng lungkot ang college life ni James.

Aniya, “Third year college ako, nagkasakit yung sister ko ng cancer. Binawian po siya ng buhay.”

Malaki ang epekto raw sa kanya ng pagkawala ng pinakamamahal na kapatid.

“Dumating sa point na gusto ko nang itigil ang pag-aaral dahil nawalan ako ng motivation dahil sa pagpanaw ng ate ko.”

Leo James C. Baguin college days photo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa pa sa natuklasan ni James, hindi porke't magaling sa high school ay ganoon din pagdating sa college.

“I was the class salutatorian in our high school batch. Aminado ako na nahirapan ako sa mga subjects sa college. May time pa nga muntikan na akong bumagsak sa major.

“But God guided me to continue what I've started, at naka-graduate ako.”

PINAGSABAY ANG REVIEW AT WORK

Bago kumuha ng board exam ay nagsimula nang magtrabaho si James sa isang construction company.

Nagkaproblema siya sa oras.

“Ang hirap pagsabayin ng self-review at work. Noong una ay okey pa kasi kaya pang i-manage yung time.

"Pero habang tumatagal ay na-burnout ako dahil araw-araw akong puyat.

Binalak niyang mag-full time sa pagre-review at mag-resign na lang sa work.

“Pero na-challenge po ako at nag-contemplate na mag-multitask na work sa umaga at mag-review sa gabi.”

Inihanda rin niya ang sarili sa posibilidad na bumagsak siya sa board exam.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“As long as ginawa ko ang lahat nang makakaya ko, at mag-take na lang ulit. Pero in God's grace, I passed.”

MGA PAMAHIIN PARA PUMASA sa board

Pero buko sa pagre-review, may mga pamahiin siyang sinunod para makapasa o maging topnotcher.

Pagtatapat ni James, sumunod siya sa mga pamahiin.

“Ginawa ko yung nagsuot ng pulang underwear, haha!

“Nagpa-sharpen din ako ng dalawang lapis sa CE passer.

“Nang matapos ang exam, hindi na ako lumingon paglabas ng classroom.

“Nanalangin din ako kina Lord Jesus at St. Jude.”

At para makasama siya sa Top 10, “Tinapik yung blackboard.”

Kuwento pa niya, “Noong nakaupo na ako sa upuan sa loob ng testing room, nakalimutan kong mag-tap.

“Na-stress ako nang sobra kasi nasa isip ko na yun, ba't nakalimutan ko pa? Kaya tumayo ako at tinapik ang blackboard.”

Pagkatapos, “dali-dali akong umupo," pero napatingin napansin na ng mga roommates ang ginawa niya.

Ang naging epekto sa kanya ng ginawa: “Nawala bigla yung kaba ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umasam din siya na maging topnotcher—kaya nga nag-tap siya ng blackboard, at gumawa pa ng manifestation na Top 5 siya.

ACTUAL BOARD EXAM

Aminado si James na nahirapan siya sa board exam.

“Ang hirap ng mga tanong. Parang hindi enough ang months na review.

“Pero hindi talaga para sa akin ang maging topnotcher.”

Leo James C. Baguin review calendar

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang lumabas ang resulta na pasado siya, napaiyak si James.

“Sa sobrang saya! Hindi ko akalain na papasa ako. Tumawag agad ako via phone sa parents ko to tell them the good news!

“Sa sitwasyon ko na pinagsabay ang review at trabaho, hindi ko talaga ini-expect na mapasama ako sa list of passers. Doon ko napagtanto na hindi hadlang ang pagtatrabaho habang nagre-review for the board exam if determinado kang pumasa.”

Inialay niya ang tagumpay sa kanyang pamilya.

Result of board passers with Leo James C. Baguin's name

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masaya niyang sambit, “I am the first civil engineer in the family.

“Presently, I am working as QC/QA Engineer sa isang construction company. My plan is to have my own construction firm and to be in the academe as well.”

Ang payo niya sa mga kabataang nais ding maging civil engineer, “Tatagan ang loob. Huwag agad-agad susuko sa laban

“Maraming trials na darating in your journey but always remember, if you can conceive it and you believe it, you can achieve it. Mindset is the key.”

At tungkol naman sa mga pamahiin, pagbibigay-diin ni James, “Ngayong passer na po ako, hindi ito mangyayari kung hindi sa tulong ng Panginoon.

“Manalig ka sa Panginoon at sa sarili mo, siguradong papasa ka.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May mga pamahiing sinusunod ang ibang kumukuha ng board exam para bukod sa makapasa ay makasama pa sa Top 10. Ibinahagi ni Leo James Baguin ang naging epekto nito sa kanya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results