PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ligo challenge ng influencer habang sakay ng motorsiklo, natiklo

Posibleng matanggalan ng driver’s license ang influencer.
by KC Cordero
Published Sep 1, 2022
Influencer Norme Reyes doing the ligo challenge with a female companion while driving her motorcycle
ayon sa LTO-Davao , ang “ligo challenge” na isinagawa ng influencer na si Norme Reyes ay maituturing na gawain ng mga tinatawag na pasaway o kamote drivers na hindi alam ang legal implications ng maling ginagawa habang nagmamaneho ng motorsiklo. (Photos courtesy of Enforcer XI Matalim, Norme Garcia)

Hindi inakala ng isang babaeng social media influencer mula sa Tagum City na posibleng matanggalan siya ng driver’s license matapos gawin ang “ligo challenge” trend.

Ang “ligo challenge” ay sikat ngayon sa Tiktok, at ini-engganyo ang isang indibidwal na maligo “with a twist.”

Norme Reyes driving her motorcycle and doing the ligo challenge with a companion

Sa kaso ng influencer na nakilalang si Norme Garcia, ang challenge sa kanya ay maligo habang nagmamaneho ng motorsiklo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

August 23, 2022 ay nakatanggap ang Land Transportation Office-Davao ng report mula sa Highway Patrol Group-Davao Region na naliligo ang nasabing influencer sa daan habang sakay ng motorsiklo.

Nakapag-post na rin ito ng video sa kanyang social media account.

Ayon kay Neil Cañedo, regional director ng LTO-Davao, sa panayam ng SunStar Davao noong August 24, agad siyang nagpadala ng team sa Tagum City para alamin ang report.

Natunton ng team ang lugar kung saan isinasagawa ang challenge at nakaharap ang influencer.

Ipinaunawa rito ang mga naging paglabag nito, at ang posibleng kaparusahan.

Norme Reyes being questioned by investigators

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging cooperative naman umano ang influencer.

Agad din itong humingi ng apology bago pa man nagsimula ang imbestigasyon.

Sinabi ni Cañedo na may dalawang posibleng parusang ipataw sa influencer.

Aniya, alinman sa matanggalan ito ng lisensya sa pagmamaneho o kakasuhan ng reckless driving.

Hindi pa sumasagot, ayon kay Cañedo, ang influencer sa liham ng ahensya na pinagpapaliwanag siya kung bakit nito ginawa ang challenge, at pinapa-justify ang ginawa.

Gagawa ang LTO-Davao ng desisyon kapag naarinig na ang panig ng influencer.

Ani Cañedo, ang reckless driving offense ay may multang PHP2,078, at kailangang sumailalim ang nagkasala sa Comprehensive Driver’s Education seminar.

Paliwanag pa niya, ang ginawa ng influencer ay gawain ng mga tinatawag na pasaway o kamote drivers, at hindi alam ang legal implications ng maling ginagawa habang nagmamaneho ng motorsiklo.

Hindi raw dapat tularan ang ginawa ng influencer.

Aniya, “We will put a stop on it, para makabalo sila nga ang atoang institution [so that they will know that our institution] will apprehend those social media personalities.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pinayuhan din ni Cañedo ang mga motorista na maging responsable sa daan anuman ang minamanehong sasakyan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ayon sa LTO-Davao , ang “ligo challenge” na isinagawa ng influencer na si Norme Reyes ay maituturing na gawain ng mga tinatawag na pasaway o kamote drivers na hindi alam ang legal implications ng maling ginagawa habang nagmamaneho ng motorsiklo. (Photos courtesy of Enforcer XI Matalim, Norme Garcia)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results