VIRAL: Kinder student 'tumakas' sa classroom, hinabol ni Titser

by KC Cordero
Sep 6, 2022
Photos of Teacher Lyca while pursuing Kyrie
Nag-viral ang video kung saan hinabol ng titser ang tumakas na kinder student, pero ito ay para siguruhing safe ito ng makakauwi sa bahay.

Mukhang hindi pa ready ang isang five-year-old kindergarten pupil sa Caroan Elementary School sa Gonzaga, Cagayan na sumabak sa face-to-face classes.

Patok kasi ngayon sa netizens ang kanyang video na tinakasan ang kanyang klase at kinailangan pa siyang habulin ng teacher.

Ayon sa kuwento ng guro na si Lyca Joy Alvera sa panayam ng GMA Regional TV Balitang Amianan noong September 5, 2022, kakapasok pa lamang ng estudyanteng nakilalang si Kyrie nang maisipan nitong umalis sa kanilang classroom at umuwi na.

Photos of Teacher Lyca while pursuing Kyrie

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dali-dali po naming hinabol yung bata kasi nag-aalala kami na baka mapaano po yung bata sa daan," kuwento ni Teacher Lyca

Hinabol ito ng guro gamit ang motorsiklo ng isang co-teacher.

Umabot umano sa halos 300 metro ang habulan ng dalawa bago niya inabutan.

Sinuyo ni Teacher Lyca si Kyrie pero ayaw talaga nitong bumalik sa school.

Inihatid na lang niya ito para matiyak na safe na makararating sa bahay.

Teacher Lyca being interviewed

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa sa guro, "Kailangang ipadama sa mga bata na mahalaga sila. Na hindi nakakatakot pumasok sa school, na naiintindihan ng mga guro yung kanilang mga nararamdaman.

“In this way, mamo-motivate mo silang pumasok at mag-aral."

Ayon naman kay Teacher Roselyn Campano, co-teacher ni Lyca na siyang kumuha ng video, "Kailangan nating ipakita ang pasensiya at mahabang pang-unawa. Hindi natin kailangang paluin, pagalitan, o di kaya ay takutin. Kasi nasa separation stage pa lang siya from home to school."

Karaniwang dumaranas ng separation anxiety sa kanilang pamilya ang mga batang first time tumuntong sa classroom.

Inaabot pa ng ilang araw bago sila makampante sa classroom setting at ma-enjoy ang company ng mga kaklase.

Read also: VIRAL: Ngiting panalo ng batang naputikan ang school uniform, shoes

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-viral ang video kung saan hinabol ng titser ang tumakas na kinder student, pero ito ay para siguruhing safe ito ng makakauwi sa bahay.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results