Puno ng saging sa Quezon, libu-libo ang nagiging bunga

by KC Cordero
Sep 6, 2022
Victor Cruz showing the thousand fingers banana
Nakunan ng photos ng netizen na si Victor Cruz, nasa larawan, ang tanim na saging ni Edgardo Borromeo ng Mauban, Quezon. Ang buwig ng saging ay umabot sa dalawang metro at libu-libo ang nagiging bunga. (Photos courtesy of Victor Cruz)

Nakatawag ng atensyon ng netizens ang isang puno ng saging dahil umabot sa libo ang bunga nito.

Batay sa ulat ni Kuya Kim Atienza sa 24 Oras ng GMA News noong September 2, 2022, ang nasabing puno ng saging ay itinanim ni Edgardo Borromeo sa Sitio Kamagong, Brgy. Cagsiay Uno, Mauban, Quezon, mahigit 10 years na ang nakararaan.

Nang magsimulang mamunga ang puno, napansin ni Edgardo na pahaba nang pahaba ang nagiging buwig nito, na umaabot nang hanggang dalawang metro at mas dumarami ang bunga.

Ani Edgardo, "Punung-puno ng bunga, siksik, hindi lang siguro dalawang libo ang laman niyan.

“Mahirap kuhanin ang bunga, dikit-dikit."

Victor Cruz showing the thousand fingers banana

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang saging na maraming bunga ay nakunan ng larawan ni Victor Cruz noong August 23, at nai-post niya sa kanyang Facebook account.

“Batag” aniya ang tawag sa kanila sa ganitong klase ng saging.

Mapapansin sa dulo ng buwig na naroon pa ang puso ng saging, kaya maoobserbahan kung gaano karami ang bunga.

Nag-upload din si Victor ng video—na siyang naging viral ngayon sa Internet.

Plano naman ni Edgardo na ipamigay sa kanyang mga kapitbahay ang mga bunga ng saging kapag nahinog na.

Aniya, "Ang daming natutuwa dito. Ang mga bata tuwang-tuwa.

“Sabi ko pag nahinog, kumuha na lang kayo diyan. Pitas na lang kayo."

Ipinaliwanag naman ni Kohlin Lallabban, isang agricultural biotechnologist, na ang variety ng saging na tanim ni Edgardo ay tinatawag na “thousand fingers banana.”

Isa itong normal na variety ng saging na kayang mamunga mula 100 hanggang 1,000 piraso.

Maliliit ang bunga nito kumpara sa ibang saging na nasa merkado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Karaniwan itong matatagpuan sa Malaysia, Indonesia, at sa Pilipinas.

Read also:

Oldest public high school sa Pilipinas, nagdaos ng 120th founding anniversary

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakunan ng photos ng netizen na si Victor Cruz, nasa larawan, ang tanim na saging ni Edgardo Borromeo ng Mauban, Quezon. Ang buwig ng saging ay umabot sa dalawang metro at libu-libo ang nagiging bunga. (Photos courtesy of Victor Cruz)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results