PHP25 milyong tulay, hindi madaanan; 2 bahay, nakaharang

by KC Cordero
Sep 6, 2022
Photo of new San Jose Panlumacan Bridge
Gumastos ang gobyerno ng PHP25 milyon, at noong 2016 pa natapos ang San Jose Panlumacan Bridge sa San Fernando, Pampanga pero hindi ito madaanan dahil sa isyu sa right-of-way. (Photo courtesy of Tonette Orejas)

May tulay nga, hindi naman ito madaanan.

Ito ang daing ng mga residente ng San Fernando, Pampanga.

Hindi kasi madaanan ang bagong San Jose Panlumacan Bridge, na nasa ibabaw ng San Fernando River, dahil may dalawang bahay na nakaharang dito.

Photo of San Jose Panlumacan Bridge

Napipilitan ang mga tagarito na dumaan sa lumang steel bridge na katabi ng bagong tulay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Delikado na ang lumang steel bridge, at umiingit na kapag dinaraanan ng mga sasakyan at pedestrians.

Photo of old San Jose Panlumacan Bridge

Ang bagong tulay ay magkokonekta sana sa mga daan na humahangga sa mga barangay sa San Fernando at bayan ng Mexico.

Natapos ang pagtatayo nito noong April 4, 2016, ayon sa tala ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May haba na 27 meters ang tulay, at ginastusan ito ng pamahalaan ng PHP25 milyon.

Gayunpaman, hindi nga ito madaanan ng mga sasakyan at mga tao dahil sa nakaharang na dalawang bahay.

Ang mga may-ari ng properties na tinutumbok ng tulay ay matigas sa pagtanggi na magpabayad.

Ayaw din nilang tanggapin ang zonal valuation ng Bureau of Internal Revenue, o ang appraisal na ginawa ng Land Bank of the Philippines.

Ayon sa ulat ng Inquirer noong August 31, 2022, pinaboran na ng mga korte ang DPWH sa mga isinampang “expropriation cases” kaugnay ng dalawang properties.

Batay sa ulat ay naglabas na ang Branch 43 at Branch 44 ng San Fernando Regional Trial Court ng writs of possession noong 2019, notices to vacate noong 2020, at writs of demolition noong February 2022.

Gayunpaman, hanggang ngayon ay hindi pa rin nareresolba ang isyu sa right-of-way (ROW).

“We went through the proper expropriation process,” ayon kay Isabelita Manalo, deputy chief ng Mount Pinatubo Emergency Project Management Office.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tinutukoy niya ay ang procedures na itinakda ng Republic Act No. 10752, o ang “2016 law facilitating the acquisition of ROW for public infrastructure projects.”

Ayon kay Manalo, originally ay tatlo ang private property owners na dapat magbigay-daan sa bridge project.

Ang unang kaso ay naresolba nang pumayag ang may-ari na mabayaran ng gobyerno ng PHP1.9 milyon ang 320-square-meter lot nito.

Pero ang isang may-ari na nakikilalang si Ruperto Flores ay tinanggihan ang zonal value na PHP670,390 para sa 45-square meter lot nito.

Ang isang pang may-ari na si Lawrence Simeon, na ang property ay may sukat na 119-square meter, ay tinanggihan din ang zonal value na PHP665,860.

Humihingi si Simeon ng PHP2 milyon dahil kailangan umano niyang mag-relocate at bumili ng bagong bahay.

Para maresolba ang isyu at magamit na ang tulay, ani Manalo, “The court will have to decide on their new demands.”

Read also:

Puno ng saging sa Quezon, libu-libo ang nagiging bunga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gumastos ang gobyerno ng PHP25 milyon, at noong 2016 pa natapos ang San Jose Panlumacan Bridge sa San Fernando, Pampanga pero hindi ito madaanan dahil sa isyu sa right-of-way. (Photo courtesy of Tonette Orejas)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results