“Rent-a-man” sa Japan, PHP4,000 kada oras para sa mga naghahanap ng companion

Sep 7, 2022
Rent a man Shoji morimoto
Taong 2018 nang simulan ni Shoji Morimoto (right) ang kanyang trabaho bilang "rent-a-man" kung saan sasamahan niya ang isang kliyente na naghahanap ng companionship. Ang bayad kay Morimoto ay umaabot ng PHP4,000 kada oras.
PHOTO/S: CBN News

Ikaw ba’y nalulungkot, nag-iisa, walang kasama?

Bakit hindi ka mag-rent ng isang stranger para damayan ka nang hindi ka huhusgahan?

Sa Tokyo, Japan, may lalaking ganito ang kanyang serbisyo.

Siya si Shoji Morimoto, 38, isang “rent-a-man.”

Ang gagawin lang ni Morimoto ay sasamahan niya ang kliyenteng nag-hire ng kanyang companionship.

Walang masyadong usap-usap sa kliyente. Sasamahan niya lang itong magkape o kung saan gustong mamasyal ng kliyente.

Kaya nga ang bansag kay Morimoto ay “Do-Nothing Rent-a-Man” na siya ring Twitter handle niya, dahil wala siyang gagawin kundi samahan lang ang client.

Ang singil niya ay 10,000 Yen o pumapatak ng PHP4,000 kada oras.

Nakakakuha si Morimoto ng isa hanggang tatlong kliyente sa isang araw.

Siya ay may halos 250,000 followers sa Twitter, kung saan siya nakokontak ng kanyang clientele.

Sinimulan ni Morimoto ang “trabaho” niyang ito noong 2018 at umabot na sa 4,000 sessions ang nagawa niya, ulat ng Reuters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga suki na siya. Ang isa sa kanyang parokyano ay 270 beses na siyang narentahan.

shoji morimoto rent a man

Si Shoji Morimoto na nakipagkita sa isa sa kanyang mga kliyente para magkape.

Pero may mga limitasyon ang services ni Morimoto.

Tinatanggihan niya ang mga nagpapatulong sa paggawa ng mga trabaho at nagpapasama sa trips abroad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin niya ine-entertain ang hiling na sekswal o kahit ang pagpo-pose nang nude.

Ang trabaho ni Morimoto bilang "rent-a-man" ang main source of income niya para suportahan ang kanyang asawa’t anak.

Tumanggi naman siyang sabihin kung magkano ang kanyang kinikita.

Noong nakaraang taon, ang trabaho ni Morimoto ang naging inspirasyon sa isang Japanese semi-fictional TV series, ulat ng CBS News.

Nakakuha rin si Morimoto ng royalty sa apat na libro, isa na rito ang isang manga tungkol sa isang lalaking sinasamahan ang mga kliyente sa pagpunta sa museums at amusement parks, o nagbibigay ng moral support sa babaeng dumadaan ng divorce.

NO SPECIAL EFFORTS

Sa panayam ni Morimoto sa CBS News noong January 2022, sinabi nitong, "I lend myself out to do nothing, which means I don't make any special effort.

"I don't initiate conversation. I reply to chitchat, but that's it."

Pero may mga downside din ang "don-nothing" job niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento niya, tiniis niya ang sobrang lamig para maging audience sa isang struggling street musician.

Sinamahan niya ang isang kliyenteng nag-birthday nang mag-isa, at nagsilbing companion sa isang self-conscious na kliyente sa kanyang pagsa-shopping.

Sabi niya: "People use me in different ways. Some people are lonesome.”

May iba naman na nahihiyang mamasyal nang mag-isa at naghahanap ng kasama kaya kinukuha ang serbisyo ni Morimoto.

VARIETY OF CLIENTS

Iba-ibang uri ng tao ang mga nakakasama ni Morimoto at nalalaman niya ang kanilang mga istorya.

May suki siyang isang babae na naghahanap lang ng kasama para magkape. Hindi sila nag-uusap.

Sabi ng female client niyang ito, conscious ang mga Hapon sa sasabihin ng iba.

Pero hindi na niya kailangang isipin ito kapag kasama niya si Morimoto na nagbibigay sa kanya ng safe space, no judgment, at no strings attached.

Bagamat marami siyang kliyenteng babae, may mga clients rin siyang lalaki na naghahanap ng mapagsasabihan na isang total stranger.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May isa siyang kliyente na may stressful na trabaho at niyayaya si Morimoto na magkita sila para maramdaman ng kliyente na may buhay ito sa labas ng trabaho.

May kliyente siyang nagbahagi ng kanyang lihim na pinalaki siya ng ina na gumagawa ng mga krimen at ipinadala sa isang institusyon dahil naging bahagi ang kliyenteng ito ng pagnanakaw, kung saan isang babae ang nasawi.

In short, dalawa ang main tasks niya: maging listener at observer; minsan, shock absorber din.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Taong 2018 nang simulan ni Shoji Morimoto (right) ang kanyang trabaho bilang "rent-a-man" kung saan sasamahan niya ang isang kliyente na naghahanap ng companionship. Ang bayad kay Morimoto ay umaabot ng PHP4,000 kada oras.
PHOTO/S: CBN News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results