Meteorite na napulot sa Camarines Norte, higit PHP5 milyon ang halaga?

by Bernie V. Franco
Sep 7, 2022
meteorite
Ayon sa meteorite collector at enthusiast na si Menandro Plaza (main photo), positibong meteorite batong ipinasuri sa kanya ni Ricardo dela Casa ng Camarines Norte. Sabi pa ni Menandro daang libong dolyar (higit PHP5 million) ang tantiya niyang presyo ng meteorite.
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)

“Hulog ng langit” ang hawak na bato ni Ricardo dela Casa ng Camarines Norte.

Ang bato kasing ito ay isang meteorite kaya literal na nahulog ito mula sa langit.

Ipinasuri ito ni Ricardo sa isang meteorite enthusiast at collector.

Kinumpirma ng enthusiast na isa nga itong meteorite.

Magkano naman kaya ang halaga nito? At paano napasa-kamay ni Ricardo ang meteorite?

METEORITE NA BUMAGSAK SA LIKOD BAHAY

Ang nakakita at nakapulot ng bato ay ang biyenan ni Ricardo, ayon sa September 4, 2022 episode ng AHA! ng GMA Public Affairs.

Lahad ni Ricardo, “Yung biyenan ko andun sa likod ng bahay, may narinig siya na kumalabog.

“Malakas po yung pagsabog sa likod… yung impact niya.

“Kaya nagtaka siya kung ano yun. Hinanap niya.

“Nung hinanap niya, nakita niya yung bato.”

Pinulot ito ng biyenan ni Ricardo at namangha dahil naiiba ito sa mga nakikitang bato.

Tiningnan naman ito ni Ricardo pagdating sa bahay ng biyenan at gumawa ng test.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Ricardo, “Tiningnan ko ang itsura niya. ‘Tapos minagnet ko siya. Na-magnet naman.”

meteorite magnet

Screenshot mula sa actual video ng magnetic test ni Ricardo dela Casa sa meteorite na kanilang napulot.

Ayon sa website ng U.S. Geological Survey (USGS), isa sa mga test para matukoy ang meteorite ay sa pamamagitan ng magnetic test.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang meteorites ay nagtataglay ng metallic iron kung kaya’t didikit dito ang magnet.

Kung “stony” naman ang meteorite, maaari ring gamitan ng magnetic test sa pamamagitan ng pagtatali ng string sa magnet at didikit din dapat ito sa meteorite.

Sinunog din daw ni Ricardo ang bahagi ng meteorite gamit ang lighter at pagkatapos ng anim na minuto ay hindi masyadong uminit ang bahaging sinilaban.

meteorite heat test

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PAGPAPASURI SA METEORITE ENTHUSIAST

Nagpunta sa Maynila si Ricardo para ipasuri ang bato kay Menandro Plaza, isang meteorite collector at enthusiast.

Si Menandro ay isang dating Overseas Filipino Worker na nagtrabaho sa Dubai bilang mekaniko noong 2012.

Nagsimula ang kanyang interes sa meteorites dahil sa kanyang German-Arabic na amo, na isang meteorite collector.

Matapos ang anim na taong paninilbihan ni Menandro, pumanaw ang kanyang amo.

Laking gulat ni Menandro na sa kanya ipinamana ng pumanaw na amo ang meteorite collection nito na may 63 piraso at may total weight na 22 kilograms.

Dinala ni Menandro ang koleksiyong ito nang umuwi sa Pilipinas noong 2019 at ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Ngayon ay umabot na sa 100 ang meteorite fragments ni Menandro.

EVALUATION SA METEORITE

Balik kay Ricardo, humingi si Menandro ng fragment ng bato para masuri.

Gumamit si Menandro ng digital weighing scale para malaman ang mass ng bato at ginamitan din ng magnet para matukoy ang metallic iron properties.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos ang pagsusuri ni Menandro, dumating na ang moment ng truth.

Aniya, “Positibo po siyang meteorite ayon po sa aking analysis na ginamit, tulad ng density test at physical test."

Pag-amin pa niya: “Nagulat ako sa aking nasaksihan.”

ricardo dela casa menandro plaza meteorite

Ang meteorite enthusiast at collector na si Menandro Plaza (left) tinitingnan ang meteorite na napulot nina Ricardo dela Casa (right).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, meteorite ni Ricardo ay isang chondrite, isang uri na mas “stony” kesa sa “metallic.”

Walang exact standard sa pagtukoy sa halaga ng isang meteorite: depende ito sa class, mass, size, at rarity ng meteorite.

Magkano naman ang evaluation ni Menandro sa meteorite na dala ni Ricardo?

Sabi ni Menandro: “Sa ngayon matatawag pa natin itong unclassified, pero pag ito na-classify at nabigyan ng sertipikado, sa palagay ko ay aabot ng daang libong dolyar.”

Ibig sabihin, tinatayang aabot ang meteorite na nakuha ni Ricardo sa higit PHP5 milyon.

LIMITADONG FACILITY SA BANSA SA PAG-AARAL NG METEORITES

Sa kabilang banda, sinabi ni Mar Christian V. Cruz, isang geologist, na walang capable laboratories sa Pilipinas para mag-classify ng meteorites.

Ani Christian, “Kailangan itong ipadala abroad para mapatingnan [sa] meteorite scientist o geologist na kayang tumingin ng bato na galing sa kalawakan.”

Si Christian ay miyembro rin ng International Meteorite Collectors Association.

Paliwanag pa ni Christian, kapag na-confirm na isang meteorite ang bato, sasailalim ito sa registration process sa meteorological society at isasapubliko ito internationally: kung ano ang itatawag sa meteorite, impormasyon, at classification.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“In terms naman ng pricing, wala naman kasing standard price iyang mga collectors,” ani Christian.

“Ang tinitingnan lang nila yung rarity, yung class ng meteorite, at provenance kung kanino nanggaling, at iba pang factors na espesyal sa meteorite collectors.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa meteorite collector at enthusiast na si Menandro Plaza (main photo), positibong meteorite batong ipinasuri sa kanya ni Ricardo dela Casa ng Camarines Norte. Sabi pa ni Menandro daang libong dolyar (higit PHP5 million) ang tantiya niyang presyo ng meteorite.
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results