VIRAL: Balde-baldeng isda “nagpahuli” sa Concepcion, Iloilo

by Bernie V. Franco
Sep 8, 2022
tamban concepcion iloilo
Gift from the sea. Balde-baldeng tamban ang napadpad sa dalampasigan ng Concepcion, Iloilo, noong September 5, 2022. Ang tamban ay ginagawang sardinas, tuyo, at tinapa.
PHOTO/S: Hershey Mae Sarita

Nagmistulang biyaya mula sa karagatan ang pagdagsa ng banye-banyerang isdang tamban sa dalampasigan ng isang isla sa Concepcion, Iloilo.

Sa sobrang dami nga ng nahuli ng mga residente ng Brgy. Tambaliza ay halos mapuno ang isang bangka roon.

Kanya-kanya rin ang mga residente sa pagpupuno ng kanilang mga fish net at timba.

Ang mga kuhang larawan at video ay ipinost ng netizen na si Hershey Mae Sarita.

Detalye niya, nangyari ang pagdagsa ng mga tamban sa dalampasigan ng Isla Sombrero, hapon ng September 5, 2022.

Sa isang kuhang video, makikita ang isang babae na hindi magkandaugaga sa paghuli ng mga tamban na tumatalon sa mababang bahagi ng tubig.

tamban iloilo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

tamban concepcion iloilo

Ang ibang isda ay tumalon na mula sa tubig at dumapo na sa mga bato at pinupulot na lang ng mga residente.

Dinig naman ang saya ng mga residente sa biyayang dumating sa kanila mula sa karagatan.

Ang tamban ay ginagawang sardinas, tuyo, at tinapa.

Samantala, maraming beses nang naulat ang ganitong pangyayari sa iba’t ibang lugar at panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read:

Sa 2016 report sa dating morning program na Umagang Kay Ganda, sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na dumadagsa ang mga tamban sa dalampasigan dahil naghahanap ang mga ito ng malamig na lugar at pagkain.

Karaniwang nangyayari ito tuwing tag-init.

Sinabi rin ng isang BFAR official sa report na may record silang nangyari ito ng buong taon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gift from the sea. Balde-baldeng tamban ang napadpad sa dalampasigan ng Concepcion, Iloilo, noong September 5, 2022. Ang tamban ay ginagawang sardinas, tuyo, at tinapa.
PHOTO/S: Hershey Mae Sarita
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results