VIRAL: 30-year-old na tatay sa Sarangani, nag-enroll sa Grade 1

by KC Cordero
Sep 7, 2022
Screenshots of Rizalde Bisalona's TikTok video
Dahil hindi marunong bumasa at sumulat si Rizalde Bisalona, nag-enroll siya sa Grade 1 para hindi sayang ang kanyang oras habang naghihintay sa kanyang kindergarten na anak na hatid-sundo niya.

Naging viral ang video ni Rizalde Bisalona, 30 years old, ng Glan, Sarangani, habang nasa loob ng elementary classroom para uma-attend ng klase.

Naka-enroll siya ngayon bilang Grade 1 student sa Tamala Elementary School para sa school year 2022-2023.

Kaklase niya ang mga estudyanteng six to seven years old.

Sa kindergarten ng paaralang ito rin naka-enroll ang kanyang anak na lalaki.

Nagdesisyon siyang mag-enroll sa Grade 1 para hindi sayang ang kanyang oras habang hinihintay ang kanyang anak na hatid-sundo niya.

Napag-alaman ding sa kasalukuyan, ang kanyang maybahay muna ang tumatayong breadwinner sa kanilang pamilya.

Screenshot of Rizalde Bisalona's TikTok video

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang video kung saan ini-interview si Rizalde ng kanyang guro ay ini-upload ni Anne Patigayon, empleyada ng Department of Education Sarangani, noong September 2, 2022 sa kanyang TikTok account.

Sinabi niyang hindi niya alam ang mga letra sa alpabeto.

Nakakasulat naman siya ng kanyang pangalan kung may guide o pagkokopyahan.

Makikita sa mukha ni Rizalde ang excitement habang unti-unti siyang tumutuklas ng karunungan.

Determinado umano siyang matutong bumasa at sumulat.

Sinimulan siyang turuan ng guro na kilalanin ang mga letra.

Screenshot of Rizalde Bisalona's TikTok video, plus netizens' comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saludo naman ang netizens kay Rizalde, na karamihan ay nagsabing kahanga-hanga ang kanyang determinasyong matutong bumasa at sumulat sa kabila ng kanyang edad.

Ang video ay nakakuha na ng mahigit 5.1 million views, 671,000 likes at 17,100 comments.

Read also:

VIRAL: Kinder student 'tumakas' sa classroom, hinabol ni Titser

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil hindi marunong bumasa at sumulat si Rizalde Bisalona, nag-enroll siya sa Grade 1 para hindi sayang ang kanyang oras habang naghihintay sa kanyang kindergarten na anak na hatid-sundo niya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results