Tuta na pumila sa libreng lugaw, kinagiliwan ng netizens

by KC Cordero
Sep 9, 2022
Puppy waiting for lugaw
Good boy yarn! Napakakyut naman ng tutang ito na matiyagang pumila para sa libreng lugaw sa Navotas. Iisa halos ang komento ng netizens—na mabuti pa yung tuta dahil disiplinado at marunong pumila. (Photos courtesy of Dennis Tanjuan)

Sobrang kinagigiliwan ngayon ng netizens ang mga larawan ng isang tuta na makikitang nasa unahan ng pila para sa libreng lugaw.

Ang mga larawan ay ini-upload ni Dennis Tanjuan noong September 2, 2022.

"Wala pong sisingit, nauna siya sa pila at nagtiyagang mag-antay sa mainit, masarap at libreng lugaw," caption ni Dennis sa kanyang Facebook post.

Puppy waiting for lugaw

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, nagsagawa ng community service ang kanilang samahan na Eagles sa isang barangay sa Navotas, at namahagi sila ng libreng lugaw.

Nakita niya ang tuta na nakapila, at ikinatuwa niya ito at ng kanyang mga kasamahan.

Lokal ang breed nito, o ang tinatawag na askal (asong kalye) o aspin (asong Pinoy).

Brown ang kulay na batik na white sa kanang leeg, dulo ng mga paa at buntot.

Kuwento ni Dennis, "Nakita ko siyang nakapila. Fifteen to twenty minutes na yata siya roon at nag-aantay.”

Dahil sa tuwa niya sa tuta, “Ako din mismo ang nagbigay sa kanya ng lugaw."

Puppy eating its lugaw

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos mai-post ni Dennis ang mga larawan ng tuta, agad naging viral iyon at na-pick up pa ng mainstream media.

Ang post niya ay mayroon nang 94K reactions, 67K comments, at 81K shares.

Netizens' reactions to the behaved puppy

Netizens' reactions to the behaved puppy
Nagkaroon pa ng moniker ang tuta at tinawag na "puppy lugaw."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Dennis, hindi kanya ang tuta at hinahanap niya ngayon dahil may mga netizens na sobrang nakyutan dito at gustong bigyan ng treats.

Tinawag niya itong si “Boy Pila.”

Papuri pa niya kay Boy Pila, dahil sa matiyaga nitong paghihintay, naging isang magandang halimbawa ito ng pagpapakita ng magandang asal, lalo pa at mayorya ng mga Pinoy ay hindi marunong pumila.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Good boy yarn! Napakakyut naman ng tutang ito na matiyagang pumila para sa libreng lugaw sa Navotas. Iisa halos ang komento ng netizens—na mabuti pa yung tuta dahil disiplinado at marunong pumila. (Photos courtesy of Dennis Tanjuan)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results