"Big bird" na namataan sa Cotabato, kabilang pala sa endangered species

by Bernie V. Franco
Sep 9, 2022
bhraminy kite eagle big bird
Sabi ng barangay chairman ng Barangay Poblacion 7, kung saan natagpuan ang ibon, first time nilang makakita ng ganitong ibon sa kanilang lugar.
PHOTO/S: Cotabato City Government / CENRO Cotabato City

Anumang oras ay pakakawalan na ang nailigtas na “big bird” sa South Cotabato na kabilang pala sa mga endangered species.

September 5, 2022 nang matagpuan ng mga residente ng Barangay Poblacion 7, Cotabato City ang isang lawin o Brahminy kite eagle.

Nang ma-rescue ang ibon, nadiskubreng may nakapulupot ditong tali ng saranggola, ulat ng Philippine News Agency.

Tumitimbang ito ng tinatayang higit isa at kalahating kilo.

“This is the first time that a big bird like this has landed in our village,” pahayag ni Barangay Poblacion 7 Chairperson Hasanal Adtong sa isang panayam noong Martes.

brhaminy kite eagle

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginawang make-shift birdcage ang laundry basket nang matagpuan ng barangay officials ang lawin na napadpad sa kanilang lugar.

Ang Brahminy kite eagle ay kilala sa tawag na “red-backed sea-eagle” sa Australia.

Karaniwan itong natatagpuan sa Indian subcontinent, Southeast Asia, kabilang na sa Australia at Pilipinas.

Kuwento ng barangay secretary na si Rehana Sangki, isang kagawad ang nagsabi sa kanya tungkol sa ibon noong Lunes.

“Kaninang umaga nang dumating si Kagawad, nabanggit niya po sa akin, nasabi niya, ‘Parang may kakaibang ibon doon sa area namin.’”

Kaagad namang inutusan ng barangay captain na si Adtong ang mga kagawad para puntahan ang lugar at saklolohan ang ibon.

Nakita ng mga barangay officials ang ibon na bumaba sa sagingan sa isang bakanteng lote.

Dagdag pa ng isang kagawad, nang makita ng mga residente ang ibon ay kinutuban silang hindi ito puwedeng hulihin, alagaan, ibenta.

bhraminy kite eagle

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anumang oras ay maaari nang palayain ang na-rescue na Bhraminy kite eagle sa Cotabato City.

Nang mahuli ito ay nakipag-ugnayan ang barangay officials sa Ministry of Environment, Natural Resources and Energy (MENRE) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

“The bird is healthy, not injured, and will soon be sent back to the wild,” sabi naman ng forester na si MENRE superintendent Judy Angkad.

Dagdag pa ni Angkad, magandang indikasyon na may natagpuang Brahminy kite eagle dahil ibig sabihin nito ay may “rich biodiversity” ang kanilang lugar.

Paalala rin ni Angkad, mahigpit na ipinagbabawal, paghuli, pagbenta, at pagpaslang ng endangered species sa ilalim ng Republic Act 9147 or Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sabi ng barangay chairman ng Barangay Poblacion 7, kung saan natagpuan ang ibon, first time nilang makakita ng ganitong ibon sa kanilang lugar.
PHOTO/S: Cotabato City Government / CENRO Cotabato City
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results