Gulay sa Alaska, bakit nga ba gahigante?

by KC Cordero
Sep 12, 2022
Alaskans showing giant pumpkins
Dahil sa climatic changes sa Alaska, mas maraming nakukuhang sikat ng araw ang mga pananim na nagreresulta sa mas magandang metabolic rates para mas lumaki ang sukat ng mga ito.

On September 7, 2022, nai-post sa Facebook Group na Hangover Cure ang mga higanteng gulay sa Alaska.

Ang caption sa post: “The giant vegetables that grow in the farmlands of Alaska.

“Alaska receives 20 hours of sunlight per day, so, the plants produce food continuously.

"The largest pumpkin in the world is also reported from Alaska. It is 1700 lbs [771.1 kilos].

“A cabbage is 130 pounds [58.96 kilos], a cucumber is 65 pounds [29.48 kilos], and a potato is 50 pounds [22.68 kilos].”

So yung kalabas ay halos kasing-bigat ng isang mini-car o smart car habang yung repolyo ay mas mabigat sa isang sakong bigas.

Man carrying a giant vegetable

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masustansya rin ba ang mga ito at kasing-lasa ng mga gulay na inaani sa Pilipinas o sa ibang bansa?

Ang Alaska ay isa sa mga bansa na malapit sa north pole kaya extremely vulnerable ito sa patuloy na climatic changes. Mayroon lang itong 105 sunny days, at napakaikli ng season para sa pagtatanim.

Bagaman at may adverse effect ang climatic changes sa Alaska, marami rin itong benepisyo. Kahit maikli ang panahon ng taniman dito, 20 oras naman ang sikat ng araw.

Dahil dito, ang mga tanim, lalo na ang mga gulay, ay mas maraming nakukuhang sikat ng araw na nagreresulta sa mas magandang metabolic rates.

Kung mas marami ang sikat ng araw, mas maraming photosynthesis na nagaganap na nagiging dahilan ng paglaki ng mga gulay hanggang makuha nila ang kanilang maximum size kapag puwede nang pitasin o anihin.

The process of photosynthesis

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang photosynthesis ay ang proseso kung saan ginagamit ng mga halaman ang sunlight, water, at carbon dioxide para makalikha ng oxygen and energy in the form of sugar.

Kapag matagal ang exposure sa araw, dahil sa proseso ng photosynthesis, mas maraming sugar ang nade-develop sa gulay.

Kaya kung kakain ng Alaskan carrot, kagaya rin ng ating carrot ang texture, pero mas matamis ang lasa.

Gayundin ang broccoli, cauliflower, pumpkin, potato, radish, spinach at lettuce.

Ang mga Alaskans ay nagpupunla ng kanilang pananim sa mga paso tuwing January hanggang May. Kapag maganda na ang sikat ng araw, inililipat na nila ang mga punla sa paso direkta sa kanilang taniman o garden.

Ang pinakakakaiba at pinakamagandang gulay sa Alaska ay ang pumpkin, na ang maximum weight na naitala ay nasa 930.32 kilos.

Inaalagaan ang pumpkin sa loob ng 89 na araw, kaya ang paglaki nito ay may average na 11.34 kilos kada araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga cabbage ay itinatanim sa mga burol sa Alaska, partikular sa Matanuska-Susitna Valley.

Man showing a giant cabbage

Ang isang “ulo” ng Alaskan cabbage ay karaniwang may radius na 21 inches. Kapag nabuklat, umaabot ang dahon nito sa limang piye.

Umaabot naman sa 26 inches ang haba ng pipino sa Alaska, at may timbang na 9.16 kilos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinasabing mas masarap ang mga gulay sa Alaska kumpara sa ibang bansa, at mas masustansya rin.

Bukod sa sikat ng araw, maayos rin ang irigasyon at maselan din ang mga Alaskan farmers sa pagpili ng buto o binhi ng gulay na kanilang itinatanim.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa climatic changes sa Alaska, mas maraming nakukuhang sikat ng araw ang mga pananim na nagreresulta sa mas magandang metabolic rates para mas lumaki ang sukat ng mga ito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results