Mga higanteng paniki, bakit naglipana sa Zamboanga City?

by Bernie V. Franco
Sep 14, 2022
giant bats zamboanga city
Sabi ng Department Environment and Natural Resources Region IX, hindi dapat mangamba sa mga flying foxes o paniking ito dahil herbivores sila at kumakain ng mga prutas, bulaklak, at nectar. Under the Wildlife Act, bawal istorbohin ang kanilang shelter
PHOTO/S: GMA Regional TV One Mindanao

Ikinabahala ng mga residente sa Zamboanga City ang paglipana ng mga higanteng paniki sa kanilang lugar.

Ang laki kasi ng mga ito ay umaabot ng halos isang dipa o isang metro.

Kilala bilang flying foxes, sila ay dumadapo at bumibitin sa malalaking puno ng acacia sa kalye ng Kalye Valderosa, Pettit Barracks sa Zamboanga City.

Nakaramdam ng pangamba ang mga residente sapagkat ito ang unang beses nilang makakita ng ganoon karami at kalalaking paniki.

giant bats zamboanga city

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang netizen ang nag-post sa social media ng kuha niya ng di mabilang na giant bants na nakalambitin sa isang puno ng acacia sa Zamboanga City.

Sabi Ramil Rafols sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao, “Nagulat kami. First time silang makita dito. Naging instant tourist spot na ngayon.”

Sabi naman ni Danile Rafols: “Nakakaalarma. Sobrang laki nila at hindi namin alam kung saan galing.”

giant bats zamboanga city

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nangamba ang mga residente dahil unang beses nilang makakita ng ganoon karaming higanteng paniki sa kanilang lugar. Umaabot ng halos isang dipa ang laki ng mga ito.

Ang sabi ng Department Environment and Natural Resources (DENR) Region IX, hindi dapat mangamba sa mga paniking ito.

Sa kabila raw kasi ng kanilang itsura, ang mga ito ay herbivores at kumakain ng mga prutas, bulaklak, at nectar.

Malaki raw ang papel ng mga giant bats sa pollination at seed dispersal ng mga prutas.

Sabi ni Michael dela Cruz, OIC chief, technical services division ng DENR-PENRO (Provincial Environment and Natural Resources Office), may mga flying foxes sa Zamboanga, pero unang beses silang magawi sa siyudad.

Sabi pa ni Dela Cruz, malaki ang posibilidad na nagambala ang natural habitat ng mga ito kaya napadpad sila sa siyudad.

Paalala ni Dela Cruz, “Under the Wildlife Act natin, hindi puwedeng i-disturb kung saan sila dumadaan at yung feeding area ng mga wildlife, lalo na yung nasa mga urban center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naghahanap iyan sila ng shelter. Isa na ang climate change, pero nag-migrate na sila kung saan sila safe."

giant bats zamboanga city

Samantala, ang flying fox ay isa sa mga pinakamalaking uri ng paniki sa buong mundo.

May scientific name itong Pteropus at tinatawag ding fruit bats.

Sa Pilipinas, mayroong uri ng higanteng paniki na kung tawagin ay giant golden-crown flying fox na makikita sa Southern Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Related article: Rare bat na mukhang fox at sa Pilipinas lang matatagpuan, namataan sa Masungi Georeserve

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sabi ng Department Environment and Natural Resources Region IX, hindi dapat mangamba sa mga flying foxes o paniking ito dahil herbivores sila at kumakain ng mga prutas, bulaklak, at nectar. Under the Wildlife Act, bawal istorbohin ang kanilang shelter
PHOTO/S: GMA Regional TV One Mindanao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results