Tatay na putol ang kanang paa, sumisisid hanggang 60 feet, umakyat pa sa niyog

by KC Cordero
Sep 14, 2022
Renato Tatoy Malones holding his catch, and while climbing a coconut tree
Sa kabila ng kanyang kapansanan, kayang sumisid ng spearfisher na si Renato Tatoy Malones nang hanggang 60 feet. Sa ganitong trabaho niya binubuhay ang kanyang pamilya kaya naman sobrang bilib sa kanya ng netizens.

Naging instant idol ng netizens si Tatay Renato Tatoy Malones, 50, residente ng Bulado, Guihulngan, Negros Oriental.

Isa siyang spearfisher o gumagamit ng pana sa panghuhuli ng isda.

Ang isang pambihira kay Tatay Renato, putol ang kanyang kanang paa.

Renato Tatoy Malones holding his catch

Gayunpaman, kaya niyang sumisid ng hanggang 60 feet para mamana ng isda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At kadalasan niya itong ginagawa tuwing gabi dahil mas marami siyang nahuhuling isda.

Renato Tatoy Malones holding his catch

Ayon sa post ng Panglao Alona Spear noong September 9, 2022, isang Facebook group tungkol sa spearfishing, 10 years old si Tatay Renato nang mabundol ng isang sasakyan.

Ang aksidenteng iyon ang naging dahilan kaya naputol ang kanyang kanang paa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na siya nakatapos ng elementary, at Grade III lang ang kanyang naabot.

Nagsimula naman siyang mag-spearfish noong 15 years old siya.

Dito niya binubuhay ang kanyang pamilya, at kumikita siya ng PHP300 kada araw.

Bukod naman sa spearfishing, mahusay ring umakyat sa puno ng niyog si Tatay Renato.

Kaya labis-labis ang paghanga ng netizens sa kanya.

Netizens react to Renato Tatoy Malones story
Marami ang nagsabing si Tatay Renato ang dapat pamarisan na kahit may kapansanan ay nagbabanat ng buto at binubuhay ang pamilya sa sariling sikap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga concern naman sa kanyang safety, nagsabing mag-iingat siya palagi.

Netizens react to Renato Tatoy Malones story

May mga nagsabi namang sana ay matulungan siya ng mga ahensiya ng gobyerno at mga pribadong indibidwal sa kanyang gamit sa pangingisda.

Kahanga-hanga ka, Tatay Renato.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kabila ng kanyang kapansanan, kayang sumisid ng spearfisher na si Renato Tatoy Malones nang hanggang 60 feet. Sa ganitong trabaho niya binubuhay ang kanyang pamilya kaya naman sobrang bilib sa kanya ng netizens.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results