Meet Nhery Deloria Songco, “Disney Teacher” ng Bulacan

by KC Cordero
Sep 14, 2022
Nhery Deloria Songco as Snow White while teaching
Napaka-creative at effective ng naisip na gimik ni Teacher Nhery Deloria Songco ng Bulacan, na nagbihis bilang si Snow White para mas enjoy sa kanilang experience sa school ang young learners. (Photos courtesy of Nhery Deloria Songco)

Level-up ang pagiging creative ng teacher na si Nhery Deloria Songco, kindergarten teacher sa Lawang Pare Elementary School sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Sa kanyang Facebook post noong August 25, 2022, nag-share si Teacher Nhery ng kanyang mga larawan habang nakasuot ng costume ni Snow White sa loob ng kanyang classroom.

Nhery Deloria Songco teaching

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kanyang caption: “I woke up from a deep sleep to see you, my dear kinder learners.”

Sa isa pa niyang post noong araw ring iyon, makikita si Teacher Nhery sa uploaded video na nagtuturo sa kanyang kinder students habang nakasuot pa rin ng costume ni Snow White.”

Maging ang paraan niya ng pagtuturo ay animated.

Maoobserbahan sa video na very attentive at aktibong nakikilahok ang mga estudyante sa bawat topic na kanyang ipinaliliwanag.

Sa isa pang video ay nagturo naman siya ng kanta, with matching actions, na ginagaya ng mga bata.

Bago natapos ang araw na iyon, naglibot pa si Teacher Nhery sa ibang classrooms dahil siya pala ang Guidance Designate.

Aniya, nagbigay siya ng quick talk and short visit sa mga estudyante—suot pa rin niya ang costume ni Snow White.

Nhery Deloria Songco in front of students

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng ibang teachers, na-amaze kay Guidance Snow White ang kanilang mga estudyante.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagbihis si Teacher Nhery bilang Disney character.

Nhery Deloria Songco as Queen Elsa

Sa opening of classes noong August 22, siya naman si Queen Elsa ng 2013 film na Frozen.

Nag-post din siya ng mga pictures at nilagyan ng caption na: "Let it go!!! From your Queen Elsa. Welcome Kiddos!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naisip niya ang ganitong paraan para maging memorable at masaya para sa mga bata—lalo na sa mga first-time schoolers—ang karanasan sa pagpasok sa school at hindi ma-stress ang mga ito sa kanilang mga aralin.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napaka-creative at effective ng naisip na gimik ni Teacher Nhery Deloria Songco ng Bulacan, na nagbihis bilang si Snow White para mas enjoy sa kanilang experience sa school ang young learners. (Photos courtesy of Nhery Deloria Songco)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results