'1 platong lamok kapalit ang 1 kilong bigas' anti-dengue drive ng barangay sa Cavite

by Bernie V. Franco
Sep 15, 2022
isang plato ng lamok isang kilong bigas
Sa Balitang Tanzeño Facebook page, nakalagay ang mechanics ng anti-dengue program kung saan mapapalitan ng isang kilong bigas ang isang plato ng lamok. Isinasagawa ang programa sa Brgy. Sanja Mayor sa Tanza, Cavite. (Photo) Isang residente ang nakakuha ng dalawang kilong bigas dahil sa dalawang platong lamok.
PHOTO/S: Facebook (Balitang Tanzeño)

Iwas dengue na, may bigas ka pa.

Kakaiba ang naisip na paraan ni Brgy. Captain Pedro Aricayos para mapigilan ang dengue outbreak sa Bgy. Sanja Mayor sa Tanza, Cavite.

Inilunsad ng barangay captain ang kampanyang “Isang plato ng lamok, kapalit ang isang kilong bigas” sa kanilang lugar.

Nakadetalye ang mechanics ng drive sa Balitang Tanzeño Facebook page.

Ang challenge ay ibinatay sa paraang itinuro ng mga nakatatanda.

Gamit ang isang paper o plastic plate, papahiran ito ng mantika o langis at iwawasiwas ito para dumikit at mahuli ang mga lamok.

"Siguro po ay natatandaan niyo pa rin yung kabataan ninyo na ang ating mga magulang ay may ganyang style,” ani Aricayos sa ulat ng ABS-CBN News.

“Isang plato na lalagyan ng oil, iwawasiwas sa may maraming lamok at talaga naman pong nakakahuli.”

Gaano naman ba karami ang dapat mahuling lamok para makuha ang isang kilong bigas?

Sagot ng kapitan: "Kailangan po naman na kahit papaano ay makitang marami [ang nahuling lamok]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Batid naman ni Aricayos na mahirap punuin ang plato ng mga nahuling lamok.

Sa Facebook page ng Balitang Tanzeño, may ilang larawang nagpapakita ng dami ng mga nahuling lamok sa plato para makakuha ng isang kilong bigas.

Dadalhin ang isang plato ng lamok sa barangay health center sa Sanja Mayor.

Magdadala ng ID o proof of residency (tulad ng water bill o Meralco bill) para mapalitan ito ng isang kilo ng bigas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang paghahanda, naglaan ng sampung kabang bigas ang barangay para sa programang ito.

Sinimulan ito noong September 8, 2022 at magtatapos sa September 30, 2022.

DENGUE OUTBREAK IN TANZA, CAVITE

Umaabot naman sa PHP 8 milyon ang inilaang pondo ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Fund ng Tanza para sa anti-dengue campaign nito.

Isinailalim sa state of calamity ang bayan ng Tanza dahil sa patuloy na pag-akyat ng mga kaso ng dengue.

Kumpara kasi noong 2020 at 2021, di hamak na mas mataas ang dengue cases ngayong 2022, kahit hindi pa tapos ang taon.

Samantala, naglunsad din ng iba pang drive ang local government unit ng Tanza para masupil ang dengue outbreak.

Ang house-to-house drive na pinangalanang "Oplan Katok, Lamok Petok" ay isinasagawa ng mga barangay officials at healthcare workers para i-educate ang mga residente sa tamang paraan ng pagpatay ng lamok.

Nagsasagawa rin ng clean-up drive ang mga opisyal sa bawat barangay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa Balitang Tanzeño Facebook page, nakalagay ang mechanics ng anti-dengue program kung saan mapapalitan ng isang kilong bigas ang isang plato ng lamok. Isinasagawa ang programa sa Brgy. Sanja Mayor sa Tanza, Cavite. (Photo) Isang residente ang nakakuha ng dalawang kilong bigas dahil sa dalawang platong lamok.
PHOTO/S: Facebook (Balitang Tanzeño)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results