Nasilayan sa wakas si Pamarayeg lll, ang 5-month-old Philippine eagle

by KC Cordero
Sep 16, 2022
Photo of Pamayareg lll
Nakunan ng larawan ng mga miyembro ng Wild Bird Photographers of the Philippines ang juvenile Philippine eagle na si Pamarayeg lll. Ang pagkakatuklas sa inakay na agila ay patunay na patuloy na nadadagdagan pa ang bilang ng Philippine eagle sa mga kagubatan ng Pilipinas. (Photo courtesy of Ven Rojas)

Namataan sa Bukidnon kamakailan ang isang juvenile Philippine eagle na binansagang Pamarayeg lll.

Nakunan siya ng larawan ni Ven Rojas noong September 12, 2022.

Sa kanyang pagtataya, around five months old na ang eagle.

Photo of Pamayareg lll

Nakapanayam si Ven ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 15 sa pamamagitan ng Facebook Messenger.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag niya, ang “Pamarayeg” ay Cebuano dialect na nangangahulugang “flirt.”

May "III" sa pangalan nito dahil ikatlo na ang naturang juvenile Philippine eagle na namataan sa iisang spot sa gubat ng Mount Kitanglad Range Natural Park, Bukidnon.

Ito ay batay sa tala ng Robert Kennedy Research Group na pinamumunuan ni Dr. Miguel de Leon.

Bird photographer Ven Rojas

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Ven ay miyembro at isa sa founding trustees ng Wild Bird Photographers of the Philippines (WBPP), isang grupo na nagdodokumento ng mga wild birds sa Pilipinas.

Kuwento niya, “Wild Bird Photographers of the Philippines’ mission is the conservation and education of wild birds through photography.

“It aims to protect our avian treasures from hunting, poaching, eating, or from the illegal pet trade.”

Sabi ni Ven, pangarap niya at ng bawat miyembro ng WBPP ang makakuha ng larawan ng Philippine eagle.

“I started my passion in wild bird photography in 2012. I had three failed attempts before this momentous encounter.”

Noong una niyang pagtatangka ay nagkaroon siya ng sprained ankle, isang araw bago ang flight niya papuntang Mount Apo sa Davao.

Sumunod ay nakansela naman ang kanilang expedition sa Cordillera Region kasama ang GMA News crew.

“About four years ago, I was supposed to shoot Pamarayeg I in Kitangkad, Bukidnon, but my bird buddy backed out for definitely unavoidable circumstances.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang sa nabasa niya ang announcement sa WBPPs Organization na may sightings kay Pamarayeg III noong August 30 sa kagubatan ng Mount Kitanglad.

Photo of Pamayareg lll

“My hopes came alive together with my bird buddies from WBPP, Chin Fernandez and Loel Lamela, who arranged the expedition.”

Agad silang lumipad patungong Cagayan De Oro at nag-stay sa isang hotel sa Malaybalay, Bukidnon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Madaling-araw ay inakyat na nila ang matarik na Mount Kitanglad Range Natural Park kasama ang premier bird guide na si Blackie, na siya namang nakatuklas kay Pamarayeg III.

Ani Ven, eksaktong 9:05 a.m. ng September 12, hindi niya makakalimutan ang naging experience.

“I fired my first camera shot to the more than five-month-old ‘Haring Ibon.’ It was perched high on a big branch overlooking the whole forest.

“From time to time, you can hear its whistles, probably calling its parents asking for food.”

Isang oras aniyang nanatili sa puwesto si Pamarayeg III bago lumipat sa panibagong sanga ng puno.

Photo of Pamayareg lll

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masayang sambit ni Ven, “It was enough for me to savor this exhilarating and personal encounter!”

Sulit na sulit aniya ang kanyang paghihintay para makunan ng larawan ang aniya ay “holy grail” ng mga ibon sa Pilipinas.

Ang pagkakatuklas kay Pamarayeg lll at sa mga nauna sa kanya ay pruweba na nadadagdagan pa ang bilang ng Philippine eagle sa wild.

Para kay Ven, “Everyone, especially Filipinos, should be allowed to view the Philippine pride and jewel. I believe that it was created by God and to be shared with everyone.”

Pero may paalala si Ven: protektado si Pamarayeg III ng ating batas.

Tinuturing na largest eagle in the world, ang Philippine eagle ay rare at critically endangered.

Ipinagbabawal ang mangaso ng Philippine eagle dahil kabilang ito sa mga protektado sa ilalim ng Republic Act No. 9147, o “An act providing for the conservation and protection of wildlife resources and their habitats, appropriating funds therefor and for other purposes,” na nagkabisa noong July 30, 2001.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakunan ng larawan ng mga miyembro ng Wild Bird Photographers of the Philippines ang juvenile Philippine eagle na si Pamarayeg lll. Ang pagkakatuklas sa inakay na agila ay patunay na patuloy na nadadagdagan pa ang bilang ng Philippine eagle sa mga kagubatan ng Pilipinas. (Photo courtesy of Ven Rojas)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results