Halamang kumakain ng lamok, langaw patok sa mga plantito, plantita sa Bacolod

by Bernie V. Franco
Sep 21, 2022
venus flytrap
Sa Bacolod, itinatag ang Bacolod Carnivorous Plants Society, isang grupo ng mga plantito at plantita na nag-aalaga ng mga exotic plants na kumakain ng mga insekto.
PHOTO/S: YouTube (Carnivorous Corner)

Naging household name ang “plantita” (o plantito) sa panahon ng pandemya.

Naging sikat na indoor hobby kasi ang paghahalaman dahil noong nag-lockdown, napirmi sa bahay ang karamihan.

Pero sa Bacolod City, kakaibang mga halaman ang ipinakikilala ng isang certified “plantito.”

Siya si Renee Aluamento, isang home chef at carnivorous plants collector.

Ang mga inaalagaan ni Renee ay exotic plants, gaya ng Venus flytrap, Sundews, at pitcher plants.

Sila ay kumakain ng maliliit na insektong tulad ng langaw, lamok, at gagamba.

venus flytrap

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang previous interviews, sinabi ni Renee na mayroon na siyang higit isang daang uri ng carnivorous plants sa kanyang garden.

Ipinaliwanag ni Renee kung gaano ka-interesting at kakaiba ang hobby niyang ito.

“Nagre-react sila sa tao. They require feeding. Fascinating siya kumpara sa normal na halaman,” aniya sa interview ng GMA Regional TV noong 2021.

Hindi raw gaya ng normal na halaman, dapat ay tubig ulan at mineral water ang ipinandidilig sa ganitong klaseng halaman.

Bawal kasi ang fertilizer at anumang minerals sa tubig na papasok sa mga ugat nito.

Ang nutrients na kailangan nito ay nakukuha ng halaman sa mga nahuhuli at kinakaing insekto.

Kapag nakahuli ng insekto ang mga dahon, kino-convert nila ito sa enzymes na kailangan ng halaman.

Iba-iba rin ang presyo ng mga ito. Halimbawa, ang Sundew ay nagkakahalaga ng PHP250-PHP300.

Ang Venus flytrap naman ay PHP650-PHP700, depende sa laki.

Kapag ito ay malaki na, aabot ito sa PHP500, PHP1,500 hanggang PHP5,000.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

pitcher plant

Isang uri ng pitcher plant, isang carnivorous plant na ipinakita sa carnivorous plants exhibit sa Bacolod City nitong September 2022.

Sabi ni Renee, malaki ang pakinabang sa carnivorous plants.

Halimbawa, ang Sundew ay epektibo sa paghuli ng mga lamok.

“It’s like if you’re spending chemical spray to kill lamok, ang masi-save mo malaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala kang gastos, may benefits pa kagaya ng oxygen.”

Sa murang edad ay nagka-interes na si Renee sa pag-aalaga ng carnivorous plants, ulat ng DNX News sa Bacolod City nitong September 14, 2022.

Kaya pinag-aralan talaga niya talaga ito at nagtayo siya ng sariling halamanan.

FIRST-EVER CARNIVOROUS PLANT EXHIBIT

Si Renee ang founder ng Bacolod Carnivorous Plants Society noong 2021. Nagsimula lang grupo nila sa iilang enthusiasts.

Makalipas ang isang taon, lumobo ang bilang at naging more than 1,000 at mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ang miyembro.

Nito lamang September 14-18, 2022 inilunsad nila ang kauna-unahang mall exhibit ng carnivorus plants sa Robinson’s Place Bacolod.

Isa itong awareness at educational campaign sa publiko.

Ani Renee, “We are actually promoting this new kind of hobby since here in Bacolod, this type of plant is still unknown and kind of rare.

“And we just want to share our knowledge about the plants and also letting the people of Bacolod know that we are local growers here and keepers in Bacolod.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

venus flytrap

Mga Venus flytrap na nakita sa carnivorous plants exhibit sa Bacolod City nitong September 2022.

Hangad din ng grupo nina Renee na makipag-partner sa mga eskuwelahan para ma-educate ang mga estudyante ukol sa kakaibang species ng halamang ito.

Read: Puno ng saging sa Quezon, libu-libo ang nagiging bunga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa Bacolod, itinatag ang Bacolod Carnivorous Plants Society, isang grupo ng mga plantito at plantita na nag-aalaga ng mga exotic plants na kumakain ng mga insekto.
PHOTO/S: YouTube (Carnivorous Corner)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results