Babies, mga “trabahador” sa isang home for the elders sa Japan

by Bernie V. Franco
Sep 21, 2022
baby workers japan
Sa isang nursing home sa mga matatanda sa Japan, may mga "baby workers" na ang trabaho ay mapangiti ang mga matatanda. Ang bayad sa baby workers na ito ay diapers at gatas.

Madalas sinasabi ng mga nakatatanda na nakakabata kapag ang kasama mo ay mga bata.

Marahil isa ito sa mga dahilan kung bakit sa isang nursing home for the elders sa Japan, mga sanggol ang kanilang staff o "baby workers."

Tama ang nabasa ninyo, nagha-hire ang isang nursing home sa Kitakyushu, siyudad sa Kyusu, Japan, ng mga sanggol para magbigay-saya sa mga elders.

Ang announcement ay nakapaskil sa pader ng nursing home.

Nakasulat in big letters: “We’re hiring!” (Siyempre, most likely in Japanese ito.)"

Nakasaad din sa announcement na ang “baby workers” ay babayaran ng diapers at powdered milk.

Ang trabaho? Mapangiti at mapasaya ang mga elders doon, ulat ng The Japan Times.

Ang requirement sa baby applicants ay dapat below four years old, at ang kanilang mga magulang o guardian ang pipirma ng kontrata.

Nakasaad sa kontrata na ang babies at toddlers ay magrereport sa trabaho “whenever they [parents] feel like it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kayang-kaya ng mga sanggol ang trabahong ito. Puwede silang mag-break “when they feel hungry, sleepy or depending on their mood,” saad sa kontrata.

Sa ulat ng The Japan Times noong August 30, 2022, higit 30 babies ang na-qualify.

baby workers japan

Ang requirement sa mga babies at toddlers ay mas bata sa four years old. Maghahatid sila ng saya sa mga elders, at ang bayad ay diapers at gatas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BABY WORKERS, TAGAHATID NG GOOD VIBES

Sila ang maghahatid ng good vibes sa higit 100 elders na karamihan ay nasa 80s na, ani Kimie Gondo, head ng nursing home.

“The mere sight of babies makes our residents smile,” sabi ni Gondo at idinagdag na walang shift ang babies.

Ang mga trabahador na babies ay ililibot lamang sa nursing home habang karga-karga ng kanilang guardians.

“The babies stay with their mothers all the time. It’s just like they’re being taken for a walk in a park,” ani Gondo.

Halata namang giliw na giliw ang elders sa mga babies na “empleyado” ng nursing home.

“They’re cute. It reminds me of when I was parenting,” sabi ng isa sa elders sa isang interview.

“Some of the children get along with our residents so well, they’re now like real grandparents and grandchildren,” sabi ni Gondo.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa isang nursing home sa mga matatanda sa Japan, may mga "baby workers" na ang trabaho ay mapangiti ang mga matatanda. Ang bayad sa baby workers na ito ay diapers at gatas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results