VIRAL: Wedding invitation para sa mga “hindi imbitado” at mahilig magbitbit ng kasama

by KC Cordero
Sep 22, 2022
The viral wedding invitation
Medyo rude ayon sa Khlevin Yambao Hosting and Coordination Services ang Facebook post nito, pero kailangan umanong maintindihan na dapat irespeto ang event ng couple na for sure ay matagal nilang pinagplanuhan.

Agaw-pansin ang naka-post na image sa Facebook Page ng Khlevin Yambao Hosting and Coordination Services noong September 21, 2022.

Wedding invitation iyon na ang nakasulat: “You’re not invited to our wedding.”

Ang petsa sa invitation: “None of your business.”

Ang location: “Not telling you.”

At may pahabol pang, “Lots of love X.”

Paliwanag ng wedding planner sa nasabing post, “While this may sound rude or selfish, pero ang kahit anong event po ay pinaghahandaan. Binibilang ang lamesa, upuan, souvenir at pagkain.”

Kapag umano ang isang imbitado ay nagdala ng isa pang kasama, kukuha ito ng space o upuan, pagkain, at souvenir.

Paliwanag pa nito, ang isang ulo sa catering ay nagkakahalaga ng PHP700-PHP1,500.

Kaya pakiusap nito, “Kung kayo lang ang invited, huwag nang magsama. Ito po ay hindi natin pa-event. Irespeto po sana natin yung event nung couple na for sure ay matagal nilang pinagplanuhan.”

At kung hindi naman talaga maiiwasan, sabihan ang couple ahead of time para maisama sa bilang kung kaya pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-agree naman ang netizens sa mensahe ng post:Netizens' reactions

Tama lang umano na kung sino ang inimbita, siya lang ang pumunta.

May nagbiro pa na kung sino raw yung hindi imbitado, siya pa ang nagbabalot ng pagkain pag uwian na.

Netizens' reactions

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ng iba, may mga sumasama ang loob pag hindi naiimbita.

Mayroon daw naman kasing buong pamilya ang isinasama sa kasalan.

Netizens' reactions

In general, ang post na ito ay paalala sa mga mahilig magbitbit ng plus one.

Nakasaad pa sa post, “Again, hindi po ninyo event ito.

“Igalang ho sana natin yung desisyon nung nagplano, nag-abala at higit sa lahat magbabayad.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At ang hirit nito sa sinumang invited na magdadala ng kasama, “Unless, may dala siyang sarili niyang upuan at packed lunch, why not?”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Medyo rude ayon sa Khlevin Yambao Hosting and Coordination Services ang Facebook post nito, pero kailangan umanong maintindihan na dapat irespeto ang event ng couple na for sure ay matagal nilang pinagplanuhan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results