Meet Galen Casida, 7’2”, ang tallest man sa General Santos City

Sep 22, 2022
galen casida tallest man gensan
Si Galen Casida, 28, ay may taas na 7'2". Siya ang pinakamatangkad na tao sa General Santos City. (Right photo) Galen kasama ang isang kaibigan at ina. (Left photo) Si Galen at kaibigan si Dyezebel Salvador.
PHOTO/S: YouTube (Kapuso Mo, Jessica Soho)

Sa tangkad niyang 7 feet and 2 inches, si Galen Casida, 28, ang pinakamatangkad na tao sa General Santos City.

Bagamat literal na tinitingala siya, binabato rin siya ng hindi magagandang bansag gaya ng bakulaw at kapre.

Pero nagagawa na lang pagtawanan ang mga ito ng binata. Tanggap niya na may pros and cons ang pagiging tallest man in GenSan.

Itinampok ang kuwento ni Galen sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ng GMA-7 noong September 18, 2022.

THE CONS

Sa pinagtatrabahuhan niyang tuna factory, kahit ang mga katrabaho ni Galen ay namamangha sa kanya.

“Nagulat kami merong isang tao na mala-kapre ang height," sabi ni Robin Dabalos, kasamahan ni Galen.

"Hindi namin alam kung paano mag-i-instruct sa taong ganoon katangkad. Titingala ba kami araw-araw?”

Ang biro raw kay Galen, “How’s your height? Kamusta diyan sa itaas? Naabot mo ba yung clouds?”

Sabi ni Galen, “Yung biru-biruan lang. Nakikisabay din naman ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kadalasan daw ay nakayuko si Galen para maiwasang tumama ang ulo sa bubong.

“[Tumatama] talaga sa mata ko. Gumaganon lang ako, parang kuwan ba, turtle ba. Ako na mismo ang nag-a-adjust,” nangingiting kuwento ni Galen.

Naiilang din daw siya kapag nagpupunta ng downtown sa kanilang lugar.

“Kasi nga lahat all eyes on you, e. Head-turner daw ba…”

galen casida tallest man gensan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Galen Casida, iilan lamang ang kanyang mga damit dahil mahirap maghanap ng sukat niyang 5XL

Kapag nakaupo siya, sa unang tingin daw ay tila walang kakaiba sa kanya.

“Once na tumayo na ako, dun na mapi-feel ko na ang laki-laki ko talaga.”

Sa tuwing may kausap daw si Galen ay kailangan pa niyang yumuko at ilapit ang mukha sa kausap.

“Hindi [ko] maririnig kapag nakatayo nang diretso.”

Kultura nga raw sa Pilipino na pinapansin kapag nakitang may kakaiba sa isang tao.

“Pinagtatawanan… uso kasi yun sa Pinoy, e… bakulaw, always kapre…” ani Galen.

Aminado naman si Galen na mahirap maghanap ng damit at sapatos dahil sa kanyang size, kaya limitado lang din ang wardrobe niya.

Ang size ng kanyang mga isinusuot ay 5XL, habang ang sapatos naman niya ay size 22.

Kuwento nga ni Galen, dahil sa sobrang sikip ng kanyang sapatos, binutas niya ang dulo nito para mailabas ang mga daliri sa paa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para hindi masyadong mahalata ang remedyong ginawa niya, nagsuot siya ng itim na medyas na teterno sa itim na sapatos.

THE PROS

Sa kanilang magkakapatid, tanging si Galen ang matangkad.

Nasa lahi nila ang matatangkad dahil ang kanyang lolo sa tuhod ay umabot din ng 7 feet ang tangkad.

Nasa elementary pa lamang si Galen ay umabot na siya sa 5’9”. Ang tangkad niya noong sa high school ay 6’6” at umabot na siya ng 7 feet pagdating sa kolehiyo.

Bunsod nito, pinag-aagawan si Galen pagdating sa mga liga.

Nakatutuwang kuwento ni Galen, minsan ay dumayo ang kanilang basketball team sa isang remote area sa GenSan para sa isang basketball game.

“Pagbaba namin sa motor, yung mga kalaban ko namuti yung labi, e. Kinabahan, e. Na-intimidate ba.”

galen casida tallest man gensan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GIGANTISM

Kuwento ni Galen, sumailalim siya sa isang check-up noong 2012.

Dito ay natukoy nga na meron siyang gigantism, isang rare condition kung saan ang katawan ng isang tao ay nagpo-produce ng maraming growth hormones dahilan para tumangkad nang tumangkad.

Sa panayam ng KMJS, ipinaliwanag ng endocrinologist na si Dr. Ralph Jason Li kung ano ang condition ng gigantism.

“Isang pituitary tumor na gumagawa ng maraming growth hormone.”

Bukod sa pagtangkad, maaari rin daw itong magdulot ng paglaki ng iba pang bahagi ng katawan gaya ng kamay, paa, at prominenteng noo at panga.

Seryoso rin daw ang kondisyong ito dahil maaaring magdulot ito ng sakit sa puso, diabetes, arthritis, o cancer.

“Kaya dapat gamutin iyan,” ang sabi ng doktor.

Samantala, ibinahagi ni Galen na sumailalim na siya sa pituitary gland mass extraction.

Kuwento niya, “Binulikat yung labi ko papunta dito sa mata. Ngala-ngala ko binutas iyon, kinuha yung tumor doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos kinuhanan ako ng taba dito sa tiyan para isampak doon sa loob [ng inoperahan].”

Siya raw ang unang pasyente sa Pilipinas na sumailalim sa ganoong operasyon.

Inabot daw ng limang taon ang recovery ni Galen.

Bumagal daw ang kanyang pagtangkad matapos ang operasyon.

Pero sa kabila ng kanyang tangkad, patuloy ang pagsisikap ni Galen na mamuhay nang normal.

Aniya, “Maliit man o matangkad, walang problema yun, e. Basta gusto mo, follow your heart lang.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Galen Casida, 28, ay may taas na 7'2". Siya ang pinakamatangkad na tao sa General Santos City. (Right photo) Galen kasama ang isang kaibigan at ina. (Left photo) Si Galen at kaibigan si Dyezebel Salvador.
PHOTO/S: YouTube (Kapuso Mo, Jessica Soho)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results