VIRAL: Pedestrian lane sa Manila na may harang na railings, "stupid" batikos ng netizens

by KC Cordero
6 days ago
The controversial pedestrian lane in Tayuman, Manila
Kung hindi pa binatikos ng netizens ang pedestrian lane sa Tayuman, Manila, hindi ito aaksiyunan ng mga kinauukulan. May nakaharang na railing kasi sa waiting spot ng mga tatawid.

Nag-viral noong September 10, 2022, ang pedestrian lane sa Tayuman Street, Sampaloc, Manila, dahil ang dulo nito ay may harang na railing.

Ang larawan ay naka-post sa The Passenger Forum Facebook Page, at nai-share ng netizens.

The controversial pedestrial lane in Tayuman, Manila

Umani ito ng samutsaring kritisismo.

Kabi-kabila rin ang naging batikos sa kung sinuman ang may pakana ng nasabing proyekto—kung proyekto nga bang matatawag ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsisiksikan tuloy ang mga tumatawid sa gilid dahil sa harang.

Reklamo pa ng mga nakaranas tumawid, maraming nakamotorsiklo ang humahagibis kung dumaan dito kaya talagang delikado sa pedestrians.

The controversial pedestrial lane in Tayuman, Manila

Batay sa May 2022 photo mula sa Google Street View, mapapansing hindi makakadiretso ang sinumang tatawid at kailangan pang pumunta sa gilid na kanto ng kalye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga netizens na nagsabing noon pa nga nila napapansin ang kakaibang sitwasyon na ito, hanggang mag-trending at maging viral ngayong September.

The controversial pedestrial lane in Tayuman, Manila

Batay naman sa mga larawan na muling lumabas noong September 21, wala nang harang sa tawiran, pero kapiraso lang ng railings ang nilagari, at hindi swak sa laki ng lane kaya hassle pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The controversial pedestrial lane in Tayuman, Manila

Matapos muling punahin ng netizens, mas lumaki na ang butas at akma na sa sukat ng lane.

Yun nga lang, sagabal pa rin ang poste ng kuryente, ang pedestrian crossing sign, at nakatambak na basura.

Pero at least ay hindi na ito totally sarado at ika nga ng netizens ay “stupid.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung hindi pa binatikos ng netizens ang pedestrian lane sa Tayuman, Manila, hindi ito aaksiyunan ng mga kinauukulan. May nakaharang na railing kasi sa waiting spot ng mga tatawid.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results