56 anyos na ginang, ipinagbubuntis ang kanyang apo via surrogacy

by Bernie V. Franco
Sep 23, 2022
woman surrogate mother
Si Nancy Hauk (left) ng Utah, USA, ay 56 anyos at nag-volunteer na maging surrogate mother ng baby ng kanyang anak na si Jeff. (Right, from left) Si Jeff at asawang si Cambria, si Nancy at asawang si Jason.
PHOTO/S: SWNS via Nancy Hauk

Ipinagbubuntis ng isang 56 anyos na ginang ang anak ng kanyang anak.

In short, nasa kanyang sinapupunan ang kanyang apo.

Nag-volunteer si Nancy Hauk ng Utah, USA, na maging surrogate mother sa baby ng kanyang anak na si Jeff, 32, at misis nitong si Cambria, 30.

Dahil sa infertility, ang mag-asawang sina Jeff at Cambria ay matagal naghintay bago nagkaanak.

Makalipas ang ilang taon, nabiyayaan sila ng mga supling—dalawang set ng kambal.

Ang kambal na sina Vera at Ayva ay three years old at sina Diseal at Luka ay 11 months old.

Sa ikatlong pagbubuntis ni Cambria sana sa kanilang ikalimang anak, nakaranas siya ng mga kumplikasyon.

Idagdag pa rito ang pag-undergo niya ng hysterctomy, isang surgical procedure kung saan tinatanggal ang ilang bahagi o kaya buong uterus.

Nag-volunteer si Nancy na maging surrogate mother siya.

Sabi ni Nancy recently sa panayam ng SWNS, isang international media network, "I just suddenly had a feeling a few months after that I should offer to do it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I told my son [Jeff], and he teared up and was shocked—I hadn't even told my husband at that point. But he was really supportive."

Ang asawa ni Nancy ay si Jason, 59.

nancy hauk surrogate mother

Si Nancy Hauk (center) ay naging surrogate mother ng baby ng anak niyang si Jeff (left). Kasama sa larawan ang asawa ni Nancy na si Jason (right).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos mapagkasunduan ang kanilang desisyon, nagpatingin si Nancy sa kanyang doktor.

Sinabihan siyang malusog at nasa kondisyon siya para maging surrogate mother, kaya sumailalim siya sa hormone treatment noong January 2022.

Hindi nagtagal, inilipat sa kanya ang fertilized embryos nina Jeff at Cambria.

Sabi ni Jeff sa sakripisyo ng ina: "I felt grateful to have such a selfless and loving mom that was willing to make that kind of sacrifice for my family.

"Having experienced over four years of infertility treatments, I knew how complicated the process can be and doubted that it was possible for her to carry a baby for us, but I was very moved that she would even offer."

Noong Mayo 2022 ay natukoy na babae ang sanggol.

Nakatakdang isilang ni Nancy ang kanyang apo sa darating na November 5, 2022.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Nancy Hauk (left) ng Utah, USA, ay 56 anyos at nag-volunteer na maging surrogate mother ng baby ng kanyang anak na si Jeff. (Right, from left) Si Jeff at asawang si Cambria, si Nancy at asawang si Jason.
PHOTO/S: SWNS via Nancy Hauk
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results